LD2: II What happened to Katy?

44.5K 628 38
                                    

"I'm so happy for you bez. Hindi ako makapaniwala na kayo rin pala ni Cliff in the end." Nandito kami ni Katy sa may pavilion at kumakain. Sobrang dami naming dapat pagkwentuhan. "Remember nung nagdare tayo para lang magpropose ka kay Cliff? Sobrang problemado ka pa nun. My god, I can't believe it's been years. Ang dami na talagang nangyari." Tumawa si Katy as if wala ng bukas. "And I wasn't expecting him to contact me and asking for my help. He is so into you. Hindi talaga ako makapaniwala, bez. Ikaw na talaga." Pang-aasar nya.

Nilagyan nya ng red wine ang wine glass namin at iniabot sa'kin ang isa. "Cheers to that bez!"

"Ang daldal mo pa din talaga bez." Uminom ako ng konting wine. Napangiti ako sa mga sinabi ni Katy. Sino bang mag-aakalang magiging ganito ang lahat. Hindi mo talaga alam ang mangyayari hanggang mangyari na lang. Biglang bumalik sa isip ko lahat, yung araw na patay na patay ako kay Cliff pero hindi nya ako kilala. Hanggang magkakilala kami sa gazebo sa likuran ng school. Tapos napagkamalan nyang magkapatid kami. Nagkasakitan kami pero mas nasaktan ko sya. Hindi ko inaasahan na ang dream guy ko noong simula palang, boyfriend ko na ngayon.

"At natatandaan mo pa yung nagstalk ka kay Cliff at nakita mo sya with his first love? So epic." Lagay lang sya ng lagay ng wine at inis-straight ang inom.

Naalala ko talaga na para akong siraulo dahil pinakinggan ko silang dalawa habang nag-uusap just to find out na magpinsan pala sila. "Nakakahiya pala talaga ko dati. Ganun ba ko kapatay na patay sa kanya?" Napailing na lang ako habang nakangiti. Sobrang nakakahiya talaga ng mga pinaggagawa ko dati. Pero kung hindi ko naman yung ginawa malamang hindi kami magkakakilala. On the second thought, baka magkakakilala pa din kami dahil kay tita Leticia. Sobrang liit lang talaga ng mundo. Ano ba 'tong mga iniisip ko.

Napatingin ako sa may garden at napansin kong nakatingin sa'kin si Cliff. He smiled then he winked at me. Okay, my heart skipped a little. Ngumiti lang din ako. Tatawagin ko sana sya para lumapit pero may kumausap sa kanyang isang matandang lalaki. For sure business ang pag-uusapan nila. Ang mayayaman talaga napakabusiness minded. Sana lang talaga masaya sila.

Napansin kong naubos na ni Katy ang red wine na dapat ay para sa'min dalawa. Hindi pa nakuntento at ininom ang wine sa glass ko.

"Hey, Katy enough!" hinawakan ko sya sa kamay at napansin kong may singsing sya. "Oh my gosh. Is this a wedding ring? You're married?" I was balled over and disappointed.

Hinigit nya yung kamay nya sa'kin at nakita kong pinunasan nya ang mga luha nya.

"My goodness Katy, you really are." Tumayo ako at nikayap ko sya. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin? Akala ko ba hindi kayo nagkatuluyan?"

Tinanggal ni Katy yung pagkakayakap ko sa kanya. I mean I was trying to congratulate her. Bumalik na lang ako sa upuan ko at tiningan ko sya.

"Anong nangyari? I can see you're not happy." Ang ineexpect ko kasing reaction ni Katy sa pagtatanong ko kung married na sya eh sisigaw sya ng malakas at ipagmamalaki sa'kin ang singsing nya. Ikukwento ang proposal thing and the like.

"I told you hindi kami nagkatuluyan. I was forced to marry a guy na first time ko lang nakita." Hindi na napigilan ni Katy na umiyak. "I don't know my parents anymore. Dati sabi nila sa'kin 'you can have what you want, just make sure you have what you need'. Pero nung nalaman nilang hindi mayaman si Boyd pinaghiwalay nila kami. We didn't have money before, pero totoo palang nababago ng pera ang tao." Hindi ko alam ang sasabihin. Akala ko masaya si Katy dahil kitang-kita ko sa mga mata nya kung gano sya kasaya na magsasama sila ng boyfriend nya. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyari sa kanya.

"What happened to your baby?" naiilang akong itanong kasi hindi ko alam kung nabuhay ba yung bata talaga o hindi.

"He's fine. Pero pinalabas ng parents ko na kapatid ko si Matthew. Kahit si Boyd walang alam. Mabuti na lang daw at kamukha ko yung bata." Medyo tumigil yung pag-iyak ni Katy at ngumiti ito. "Oh my gosh bez, kelan ka pa natutong mag-ayos. Kaya pala kanina ko pa iniisip kung anong nagbago sa'yo." Tumawa sya while checking me out. She's crazy. Kanina lang naiyak sya tapos ngayon naman nangiti na naman sya.

Love Disaster 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon