Prologue

135K 1K 48
                                    

[Please read Love Disaster 1 para makarelate sa mangyayari dito. Wag 'tong basahin ng hindi nababasa ang 1 okay? (^^)v -MelaBrio (megladiolus) ]

****************************************************************

PROLOGUE


It's been two years since you disappeared. Life goes on as they always say. Marami ng nangyari, marami ng nagbago sa buhay ko at sa buhay ng mga taong nagmamahal sa'yo.


I'm in 4th year college, konti na lang at makakatapos na din. I'm still hoping na bago ako makatapos babalik ka. Babalik ka at sabay nating tutuparin ang mga pangarap natin sa buhay. Pero paano kung hindi ka na talaga bumalik?



Yung mga panahong nawala ka may isang tao namang kahit minsan hindi nawala sa tabi ko. Sya na ngayon ang presindente ng company nila. Despite of his busy schedule may time pa rin sya sa'kin. I'm talking to your brother Cliff. I still love you Tonsi, pero kung wala ka na talaga sana bigyan mo ako ng sign. Ayokong magmahal ulit tapos bigla kang babalik. Ayoko ng masaktan at ayoko ding makasakit.



Pero ngayon nandito na ako sa pagkakataong hahayaan ko namang sumaya ulit yung sarili ko. Matagal kong pinigilan yung sarili kong magmahal ulit sa paghihintay sa pagbabalik mo. Lahat kami hindi sumuko, hindi nawawalan ng pag-asa. Sine-celebrate namin ang birthday mo at palagi ka naming pinagpe-pray. Kung nasan ka man ngayon Tonsi sana maramdaman mo na naghintay ako sa'yo sa mahabang panahon pero hindi ka dumating.



Hanggang ngayon ipinapahanap ka pa din nila tita pero hindi ka nila makita. Sabi nila mahirap daw talagang makita ang taong ayaw magpakita. Pero hindi ka naman nagtatago di ba? At bakit mo naman ako pagtataguan? Handa ko ng harapin ang buhay ng mag-isa. Tutuparin ko ang mga pangarap ko kahit wala ka. Habang buhay kong ite-treasure lahat ng happy moments natin. Hinding-hindi yun mawawala.

"Sana makarating 'tong sulat na 'to sa'yo kung nasan ka man." Inilagay ko ang letter sa loob ng bottle at pinaanod sa dagat. This is not really a goodbye, simula lang 'to ng bagong kabanata sa mga buhay naming lahat.

"Let's go? Susunduin pa natin si Katy." Ang lalaking hindi ako iniwan sa malulungkot na araw ng buhay ko – si Cliff. Kahit sa oras na nagpapaalam na ako kay Tonsi nandito pa rin sya.

"Thank you for everything Cliff. Thank you for everything." 

Love Disaster 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now