Thirty

3.5K 44 0
                                    

Seven years ago.

Two weeks mula ng umalis si Eion sa Cagayan ng malaman kong buntis ako sakanya. Dumoble ang sakit na naramdaman ko noong malaman kong nagbunga ang ginawa namin. Nasaktan ako para sa sarili ko at para narin sa magiging anak ko. Dahil kung hindi babalik si Eion, malaki ang tyansa na lalaki ang anak kong walang ama at ayokong mangyari iyon. Ayokong matulad sakin ang magiging anak ko na hindi buo ang pamilya. Naramdaman ko na ang bagay na iyon, at ayokong maramdaman iyon ng magiging anak ko. Kaya nagpasya akong ilihim ito sa lahat at tanging pamilya ko lang ang nakaka-alam tungkol sa pagbubuntis ko. Pero hindi alam ni Daddy at Mommy kung sino ang ama ng ipinag-bubuntis ko. Tanging si Kuya Sky lang ang nakaka-alam. Kaya noong nagtapos ako ng kolehiyo ay naisipan kong bumalik na ng Maynila kasama si Mommy at doon ipagpatuloy ang aking pagbubuntis. My dad is really furious about my pregnancy lalo ng hindi ako grumaduate as Magna o kahit man lang Cumlaude. Kaya ng inilibas ko na si Ivan sa sinapupunan ko, kinuha siya sakin ni Daddy at inilayo. Tuwing ocassions ko lang nakakasama ang anak ko! Nalaman nalang nila kung sino ang ama ni Ivan dahil sa tuwing lumalaki si Ivan, mas lalo niya lang nagiging kamukha si Eion. Kaya ngayon nagkasama ulit kaming dalawa ni Ivan, sisiguraduhin kong hindi na kami mapaghihiwalay ni Daddy, isasama ko na siya sakin sa Maynila at doon kami tahimik na mamumuhay na dalawa.

"Mommy, magsasama na tayo forever? Napapagod na po kasi ako kakasakay ng airplane. Gala ako ng gala, hindi ko naman po kayo kasama." Sabi ng anak kong madaldal. One thing na hindi namana ni Ivan sa kanyang ama ay iyong pagiging tahimik nito. Ivan is super talkative and hyper na kasalungat ni Eion.

I smiled to him and I kissed him in his chubby cheek. "Ofcourse baby, magsasama na tayong dalawa. Isasama na kita sa Manila kung saan kami nakatira ni Lola mo."

"Really? Lolo can you hear that? Isasama na daw po ako ni Mommy sa Manila! Yeheyyy!!" Masiglang sabi ng anak ko at nagtatatalon pa.

I saw my Dad smiled to Ivan and nod. "Yes, big boy. I heard that."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Daddy. Sinundan ko ng tingin si Ivan na nagtatatalon habang tuwang-tuwa papunta sa garden.

"Baby Ivan, be careful. Huwag tatakbo!" Sigaw ko sa anak kong tuwang-tuwa.

Napailing nalang ako habang nakangiti. I know my son that much kahit na hindi kami magkasama araw-araw. Sobra ang tuwa niya ng sabihin ko sakanya na magsasama na kaming dalawa. Sana lang, huwag kaming pigilan ni Daddy. Ayokong maputol ang kaligayahan ng anak ko.

"Ice, let's talk." Sabi ni Daddy at nagsimula ng maglakad papunta sa garden.

Wala akong nagawa kung hindi sundan siya. Nagtataka man pero tinabihan ko si Dad na nakatayo at pinapanuod ang anak kong naglalaro ng kanyang bola.

"Wala ka bang balak ipaalam kay Eion ang tungkol sa anak niyo?" Tanong ni Dad.

Bigla akong napatingin sa anak kong masayang naglalaro ng kanyang bola. In every angle of his face, he looks like his father. Handa na ba akong ipakilala siya sakanyang ama?

Umiling ako sa tanong ni Daddy. Hindi ko pa alam! Parang ayoko. May sarili ng pamilya si Eion at base sakanyang ekspresyon noong makita ko sila sa Maynila kasama si Rain. Masayang-masaya sila.

"B-bakit pa, Daddy? Hindi ako handa." Sabi ko ng naiiling.

"May karapatan si Eion sa bata. Lumalaki na si Ivan at naghahanap ng ama, naiintindihan ko ang nararamdaman mo Ice, I'm your father. Kahit hindi ka mag-open sakin alam ko ang nararamdaman mo." Humarap sakin si Dad. "I'm sorry, sweetheart if I'm being a stone heart father to you. Ang akala ko kasi nagkamali ako sa pag-gabay sayo. Nagkulang ako sa pag-gabay sayo. Nahiya ako sa Mommy mo. Nahihiya ako sayo dahil hindi kita naalagaan noong panahon na nandito ka sa puder ko. Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit ka nabuntis agad ng maaga. I'm not a good guardian and a father to you. I'm sorry, anak."

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now