Fourteen

1.8K 30 0
                                    

Madaling araw na kami nakatulog na dalawa ni Eion. Puro kasi siya kwento tungkol sa highschool life niya at kung paano siya naging MVP sa batch niya noon. I almost forgot na mahilig pa lang maglaro si Eion ng basketball. Kahit ngayon ay naglalaro parin ito! Bakit nga ba hindi ako nanunuod ng mga laban niya?

Nagising ako sa ingay ng alarm na sinet ko sa aking cellphone. Ayokong malate ngayon dahil may surprise recitation daw kami sabi ng Prof ko. Minsan hindi ko din maintindihan ang Professor ko eh, bakit niya pa tinatawag na surprise recitation kung sasabihin lang din niya pala! Hindi ko maintindihan ang logic dun e.

"Eight na pala... tss!" Seven ako nag alarm. Hindi ko inaasahang hindi ko ito narinig at naka dalawang alarm pala ito!

Napatingin ako sa kay Eion na mahimbing parin ang tulog sa tabi ko. Napangiti ako. Nakatabi ko siyang matulog sa unang pagkakataon ng marating na namin ang tamang edad! Bigla ko nalang inangat ang kamay ko papunta sa pisngi niya upang marahan na haplusin. I smiled again. Ang kinis at ang lambot talaga ng balat ni Eion! Kailan kaya 'to magiging akin? Yung tipong ako lang ang hahaplos at makaka halik. Marahan siyang gumalaw kaya binawi ko agad ang kamay ko sa pisngi niya!

"Eion, wake up! May pasok tayo." Gising ko sakanya.

Gumalaw siya at nagtakip ng unan sa mukha tska tumagilid ng higa.

"Five minutes, Ice. I'm still sleepy..." He huskily said.

I pouted.

"Bahala ka nga diyan! Ayokong malate may recitation kami mamaya." Medyo inis kong sabi.

Hindi lang naman siya ang puyat saming dalawa ha? Ako din naman pero nagising parin ako! Masyado talagang antukin ang isang 'to!

"Just take a bath already...." Aniya na tila inaantok pa.

Tumayo na ako sa kama at kinuha ang unan na ginamit ko. Binato ko iyon sakanya bago mabilis na tumakbo papuntang banyo. I heard him groan! Serve him right!

Binuksan ko na ang shower ni Eion! First time kong maliligo sa banyo niya. Wala pa naman akong dalang toiletries. Tootbrush ko lang ang aking dala! Wala naman sigurong masama kung gamitin ko ang shower gel ni Eion. Magiging kaamoy ko pa siya! Ayy. Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Sa loob narin ako ng banyo ni Eion nag bihis ng school uniform. Lumabas na ako ng banyo niya. I still feel stinky! I need lotion.

"Eion, penge ng lotion----"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya. Sino kaya ang kausap niya? Si... Erin kaya?

"Happy Monthsarry....."

Tumalikod ako at inabala ko ang sarili sa pag aayos ng mga gamit ko. Ugh! Bakit ang sakit? Naninikip ang dibdib ko sa mga pinag uusapan nila. The way he said 'I love you' to that girl. Ang sakit! Great. Monthsary pala nila ngayon. Aalis ba sila? Magde date? Saan sila pupunta? Pwede kaya akong sumama? Tss. Stupida! Anong klaseng tanong kong iyon. Sinong matinong tao ang sasama sa date ng taong mahal mo, kasama ang taong mahal niya? Sino naman tanga ang gagawa nun? Ako!

I sigh.

Paglingon ko. Tumayo na si Eion at may nakalagay na towel sa balikat niya. Turn niya na para maligo! Naramdaman ko siya sa likod ko. I stiffened. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko at hininga niya sa leeg ko. Damn! Bakit siya ganyan kalapit sakin? Napapikit ako.

"Lotion.." Aniya at inabot sakin ang bote ng lotion.

Mabilis ko iyong kinuha. "S-salamat."

"Uh-huh..." Aniya at naglakad na papuntang banyo.

I sigh. That was close! Nagbluff pa ako. Nakakahiya! Sana hindi niya iyon napansin. Gosh! Palabas na sana ako ng kwarto niya ng marinig ko ang boses niya.

I'm Inlove with Eion Sarmiento [Completed]Where stories live. Discover now