Chapter 21

469 19 5
                                    

Dedicated to sayo.. Thank you sa pagbabasa at sa pag-aabang.. Pasensya na kung ngayon lang ako nakapagdedicate.. T__T

Magdededicate na ko sa lahat ng fans ko.,.

Dahil konti lang naman kayo, hindi naman ako mahihirapan... XD 

- - - - - - - - - -

[Fatima's POV]

"Ihahatid na nga kasi kita."

"Hindi nga pwede. May hihintayin pa nga ako."

"Sasamahan nga kita. Please na?"

"Hindi nga pwede."

"Bakit hindi pwede?"

Kanina pa nangungulit tong si Ryan.. Hanggang ngayon na nakababa na kami sa hagdan, nangungulit pa din..

"Wag kang makulit."

"Eh sino ba kasi yung hihintayin mo?"

Hinarap ko siya.

"Pag sinabi ko sayo titigil ka na?"

"Oo."

"Haay.. Magkikita kami ni Maw kasama--"

"Yon! Si Maw na naman! Kaya pala ayaw mo akong isama kasi kasama mo na naman si Maw. Diba dapat ako kasama mo sa paguwi kasi siya naman ang kasama mo pag pupunta kayo dito sa school?"

"Teka nga muna kasi.. Hindi pa ko tapos eh, kaya lang naman kasi kami magkikita, kasi ipapakilala niya sakin yung gf niya. 2 months na sila pero hindi ko pa din nakikilala yung gf niya."

"Ahh. Ganon ba? He-he. Sorry naman!"

"Ang init naman kasi lagi ng ulo mo eh."

"Edi sasama na din ako.. Please?"

"Bakit ba kailangan ka pang sumama? Sandali lang naman yon."

"Sandali lang naman pala eh, edi sasama na ako. Wag ka ng pumalag" hinawakan niya yung kamay ko at naglakad na kami palabas ng school..

"Baka mainip ka lang." sabi ko sa kanya habang hinihintay namin sina Maw sa labas ng school

"Hindi ako maiinip."

"Baka magutom ka."

"Hindi."

"Mauhaw."

"Hindi."

"Maihi.."

"Hindi.."

"Mat--"

"Sabihin mo nga sakin, ayaw mo ba kong kasama?!" nagulat ako ng bigla niya akong pagtaasan ng boses.

"Hi-hindi naman s-sa g-ganon.. Eh k-ka--"

"Sh*t naman oh!" bigla niyang binitiwan ang kamay ko, pero hindi lang basta bitaw, yung may pwersa.. para niyang binato palayo yung kamay ko.. "Sabihin mo na lang kung ayaw mo kong kasama! Sabihin mo na lang kung mas gusto mo pang kasama yung Dexter na yon!"

"R-ryan.." hindi na ko halos makapagsalita. Ngayon ko lang siya nakitang magalit ng ganito..

Lalo akong nagulat nung hawakan niya ang magkabilang braso ko.. Sobrang higpit ng hawak niya.. Ramdam ko hanggang sa buto ko..

"R-ryan.. N-nasasaktan ako.."

"Sabihin mo nga sakin, sino ba mas mahal mo?!"

"T-teka, masakit na.. Bitawan mo ko!" pumapalag ako pero hindi pa din niya inaalis.

"SABIHIN MO SAKIN!!"

"Ano ba?! Sinabing masakit na eh!!"

Nagulat siya ng pinagtaasan ko na din siya ng boses. Bigla siyang bumitaw at umiwas ng tingin sakin..

Ako, Siya at SIYA Pa?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon