Chapter 18

410 18 0
                                    

Sayo dedicated to.. Sa "18" ko talaga tinapat.. ^__^

I love you forever!..  :">

- - -

My beloved readers! Si Ryan Caduyac nga pala yun oh! Ang pinakamamahal kong boyfriend.. Nagbabasa kasi siya nito.. ^__^

- - - - - - - - -

[Fatima's POV]

"Pano kung ligawan kita, may pag-asa ba ko?"

Nagulat ako sa sinabi niya saking yon.. Hindi ako nakapagsalita.. Ewan ko ba kung ano ang mahirap sa pagsasabi ng salitang "WALA." Dahil dapat lang na yon ang sabihin ko.. Dahil may bf na ko diba? Siguro gumaan lang yung loob ko sa kanya nung niligtas niya ko kanina..

"Bakit di ka makapagsalita?" sabi niya

Di ako tumitingin sa kanya..

"Hindi mo ba ko narinig? Ang sabi ko, kung liligawan ba kita, may---"

"Wala." at lumabas na nga din sa bibig ko ..

"Bakit wala?"

"Kasi hindi kita mahal." deretsahan na oh!

"Wala naman yung taong mahal mo diba? Wala siya dito sa oras na kailangan ka niya, wala siya dito sa o--"

"Pwede ba?! Tumigil ka na!" sabi ko habang nakayuko ako. at nararamdaman ko na anytime tutulo na ang luha ko... "Kahit anong gawin niyo, hindi ako makikipaghiwalay sa kanya, hindi ako susuko kahit gano pa kahirap ang sitwasyon.." tumayo na ko at tinignan siya at tinuro siya "Kaya wala kang pag-asa. Tatandaan mo yan. Kahit iligtas mo pa ko sa lahat ng pilagro ng buhay ko, hinding hindi ako mahuhulog sayo!" tinalikuran ko siya at iniwang nakaupo don..

Bwisit na lalaking yon! Alam naman niya ang sitwasyon ko ngayon.. Grr.. Nakakapanginig ng laman! >.<

Maya-maya, may biglang humawak sa braso ko..

Napalunok ako.. Don't tell me....

O___O

"Bitawan mo nga ko! Bakit mo ba ko sinusundan?!" sabay palag sa pagkakahawak ni Dane sa braso ko.. Opo! Si Dane lang pala! Kala ko naman yung dalawang manyak kanina..

"San ka pupunta?"

"Sa langit! Sama ka?"

Ako, Siya at SIYA Pa?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon