Chapter 6

576 22 0
                                    

at yan na nga.. uwian na nga..

kinuha ko na ang mga gamit ko para umuwi.. sigurado ako na naghihintay na si Dexter sa labas at hinihintay ako..

"huy sandali!" sabi ni Ryan

"o bakit?"

"hatid na kita"

"h-ha? wag na! kaya ko na.. salamat na lang"

"hindi pwede yon. boyfriend mo na ko at girlfriend na kita, kaya dapat hinahatid kita diba?"

"ah eh... oo nga pero may kasa--"

"wag ka na kasing mahiya. para san pa at naging boyfriend mo ko? kung simpleng paghahatid lang sayo, e hindi ko pa magawa."

"hindi naman sa ganon, meron na kasi akong kasabay umuwi."

"edi tayong tatlo.."

"h-ha? nako hindi pwede!"

"bakit naman hinde?"

"uhm.. kase.."

"kase ano?"

huminga muna ako ng malalim.. "importante kasi sakin yung kasabay ko, at hindi pa niya alam na tayo na.. baka mabigla yun pag nalaman niya.. ako na muna ang magsasabi tapos papakilala na kita. "

"yun lang ba ang problema? edi sabay nating sabihin sakanya.. para naman hindi ka mahirapan na iexpalin sakanya"

"e kasi ano e.."

"tara na!"

hinila na niya ko palabas ng room.

"t-teka.."

"wag ka na kasing makulit.."

kanina pa kasi siya hila ng hila kahit nasa hagdan kami.. ang bigat kaya ng gamit ko no? edi pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko para naman makapaglakad ako ng ayos, hindi yung kinakaladkad niya ko..

"pano ako hindi kukulit?! e kanina ka pa hila ng hila! ang bigat kaya ng gamit ko no?! masyado kang nagmamadali!"

"ay sorry.. siya akin na bag mo."

"wag na! ako na.. mabigat nga diba? baka hindi mo kayanin.. may dala ka pa man ding bag."

"sus! hindi yan! akin na. kesa naman ikaw ang nahihirapan"

"naging estudyante pa ko, kung hindi din naman ako mahihirapan."

"sus! yan ka naman sa mga meaningful mong banat! hahaha"

"tss. e totoo naman e! sa-- t-teka! wag mo nga kunin sinabi ang bag ko e!"

at nagtagumpay nga siyang kunin ang bag ko ..

"hindi naman pala mabigat e! payatot ka kasi kaya kala mo mabigat"

"tss. grabe ka makapang asar ha? salamat ha!"

"to naman. di mabiro.."

pagdating namin sa may gate..

"o? nasan na yung kasabay mo?" tanong ni Ryan

tumingin ako sa paligid. wala pa si Dexter.

"hmm.. mukhang wala pa. baka may ginagawa yun sa school nila kaya na-late.... pinagpapawisan ka na a? sabi ko naman sayo mabigat ang bag ko e."

"hindi ako nabibigatan sa gamit mo.. nabibigatan ako sa gamit NATIN."

"tss. kulit mo naman kasi e.. lapag mo muna yan dyan sa may bench."

nilapag na nga niya ang mga gamit namin sa bench at umupo siya.. halatang pagod e. may kalakihan kasi ang school namin at malayo ang room namin sa gate ng school.

Ako, Siya at SIYA Pa?! [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon