CHAPTER 5

8 1 0
                                    

"Nami, ano nangyari sa'yo kanina?" Tanong ni Haru noong nasa table na kami para mag lunch.

"Ah, lutang kasi ako." Sabi ko.

"Dahil kay Ethan?" She asked.

"Oo. Magkakilala pala sila ni kuya." Sabi ko.

"Talaga? OMG destined kayo." Kinikilig pa si Haru.

"Actually, wala siyang balak magka girlfriend." Sabi ko.

"Siyempre hindi pa siya in love sayo. Ano ka ba Nami, sa simula lang yun."

Pinigil naman siya ni Dylan. "Wag mo na ipush Haru. Kita mo na nga na bumabagsak na si Nathalie ayan pa uunahin mo."

Nathalie?

"Aba, bakit Nathalie na tawag mo kay Nami?" Asar ni Haru kay Dylan.

"Bakit? Masama ba?" Pagtataray ni Dylan.

"Ayaw ni Nami na tinatawag siyang Nathalie." Sabi ni Dennis.

"Oh really? Then Nathalie na itatawag ko sayo." Sabi ni Dylan.

"Ang bully mo kay Nami." Sabi ni Haru kay Dylan.

Napaakap ako kay Haru. "Sinabi mo pa Haru. Hindi mo ba alam ang sakit sakit?" Nag inarte ako.

"Hoy ang kapal mo! Ikaw kaya yung nananakit." Sabi ni Dylan.

"Ano?" Nasipa ko yung paa niya.

"Aray. Kita mo sadista ka." Sabi ni Dylan.

Nag tinginan lang kami ng masama sa isa't isa pagkatapos kumain na ulit.

"Oh, if you don't mind, I'll come over at your house this night Nathalie." Biglang sabi ni Dylan.

"Bakit?" I asked him.

"Nakalimutan mo na ba? I am your tutor." He said. "Kung gusto mo akong matalo then I'll teach you."

"Sasama ako."  Biglang sabi ni Dennis.

"Sasama rin ako." Sabi ni Haru.

"Ano? Ano bang problema niyo guys?" I asked them.

Nagtinginan silang tatlo.

"Bakit ba kayo nakikisali ha?" Dylan asked them.

"I don't trust you Dylan." Sabi ni Dennis.

"Well I don't care if you don't." Sagot ni Dylan.

Wala naman nagawa si Haru at Dennis kasi andito na kami ni Dylan sa bahay. Sumakay kami sa kanyang Black Cayenne. Pagpasok namin sa bahay, as usual, ako nanaman ang naiwan dahil nasa work pa sila mom and dad.

"So, mag isa ka lang?" Dylan asked me.

"Yeah. Hindi ba halata?" I said. "Umupo ka muna diyan." Sabay turo ko sa sala.

Umakyat muna ako sa kwarto ko para magpalit ng pambahay. Spaghetti top and this cutie short shorts.

Pagkababa ko, nagulat si Dylan sa akin at napatayo siya at lumapit sa akin.

"Whoa. Nathalie, are you seducing me?" He asked.

"Ano? Hoy bakit ko naman gagawin yun eh hindi naman kita gusto?" I told him.

"Really? Mag susuot ka ng fitted top and short shorts and kasama mo lang ay isang lalaki?" Nagagalit siya. "Aba magpalit ka!"

"Bakit ka ba nagagalit sakin?"

"Look, kapag hindi ka pa nagpalit ngayon, baka hindi ko mapigilan." He said. "So please umakyat ka at mag suot ng balot yang katawan mo!"

Umakyat na nga ulit ako sa kwarto ko at isinuot ang matagal ko ng tinatagong pajama at bumaba.

We're Not InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon