PROLOGUE

44 3 2
                                    

Noong bata pa lamang ako, hindi ako mahilig mag-aral. Pero nung pumasok na ako sa school nung kinder ako, nakilala ko si Dennis. Lahat ng tinatanong ni teacher nasasagot niya kasi nakikinig siya. Magkaibigan ang mga magulang namin kaya hindi lang kami sa school nagkakasama.

Hindi nagtagal naging magbestfriends kami, naging close, at natutunan ko rin magbasa at makinig sa teacher palagi. Dahil sa kanya nagsimula ang pagiging masipag ko mag-aral. Sa tulong na din ni Dennis, naging top one ako parati and noong graduation sa elementary at high school, ako ang Valedictorian at si Dennis naman ang Salutatorian.

Hindi ko alam kung pinagbibigyan niya ako or sadyang mas matalino nga lang ako sa kanya.

Noong College, nagdecide kami na pumasok sa isang prestigious university tutal may discount naman kami sa tuition.

Nakapasa kami sa exam and interview kaya nakapasok kami. After, nagcelebrate kami sa isang café malapit sa uni. Nakapila kami sa isang medyo mahabang lane until may isang mahangin na lalaki na kakapasok lang at dumerecho sa counter ang nag-order. And guess what? Naka-order agad siya!

Nainis ako kaya I stepped in front of him nung paalis na siya.

He looked at me coldly.

"Excuse me lang pero unfair naman ata na kami pumipila habang ikaw instant?" Nainis kong sabi.

"Nami, what are you doing?" Pinigil ako ni Dennis pero di ko siya pinansin.

"Why?" Medyo husky ang boses niya kaya ang sexy pakinggan.

"Why? Anong why?" I asked him.

Bigla naman may lumapit na staff sa akin at nag-explain "Ma'am, VIP po si sir kaya..."

"And so? Dapat pantay pantay tayo dito sa mundo!" Sabi ko kaya pinagtitinginan na ako.

"What is your problem?" Nagsalita nanaman si husky boy.

"Nami, tama na." Pigil nanaman ni Dennis sakin.

"Ikaw! Yang mga taong katulad mo ang problema ko." Sabi ko sa kanya.

"Ma'am, tama na po. Sila po ang may-ari ng café." Paliwanag ng staff.

May-ari? Aba, kaya pala ang kapal ng mukha.

"Not only this café, but also the university where you applied." He scared me sabay turo sa envelope ng school na hawak ko.

Tumahimik na lang ako.

"Gusto mo pa ba tagalugin ko para maintindihan mo?" Inis niyang sabi sabay tulak sakin sa gilid para makadaan siya. Buti nasa likod ko si Dennis.

Nainis ako. Ang yabang niya. Lumabas ako at sinundan siya.

"Alam mo, ang yabang mo!" Sigaw ko sa kanya kaya napatigil siya sa paglalakad.

"Hindi ka pa ba tapos?" He said.

Nasipa ko na lang siya bigla sa pwet dahil sa inis ko. Hinarap niya ako at he grabbed my arm then pushed me against the wall.

Kinabahan ako. Sobrang lapit niya sa akin.

"Nagpapapansin ka ba?" He asked me.

Naalala ko yung inis ko sa kanya. "Hindi porket mayaman kayo, may karapatan ka ng magyabang."

"Kailan ako nagyabang?" Lumapit pa siya sa akin na tipong hahalikan na ako kaya napatitig ako sa lips niya.

Natawa siya at lumayo sa akin. "Huli ka, you just like me. You want my attention."

"Ano? As if!" Sigaw ko.

"Fine. If you beat me, papayag ako makipag date sa'yo."

"Date? Hoy ang kapal mo ha! I don't want to date a guy like you!"

"Ayoko rin naman sa'yo. As if naman na matalo mo ako sa acads ko eh ako ata ang Valedictorian." Pagyayabang niya.

"Oh really? Ikaw pala ang magiging mortal na kaaway ko dito. My next goal is to be the Valedictorian in this university."

He chuckled. "Are you joking? Nobody can beat me."

"Tignan na lang natin!"

And that's when it all started.

We're Not InloveWhere stories live. Discover now