CHAPTER 4

8 1 1
                                    

The next day pagpasok ko, sinabi ko agad kay Haru na sumali ako sa fans club ni Ethan.

"Talaga? Grabe ka naman girl! Patay na patay ka na ata jan kay Ethan." Sabi ni Haru sakin.

"Sinabi mo pa." Sabi ko.

"Mga type mo talaga sporty eh noh?" Biglang sumabat si Dennis aba humuhugot pa siya.

Hinila naman ako ni Dylan palapit sa kanya. "Hoy slave, ano yung narinig kong sumali ka sa fans club ng TangEthan na yun?"

Sinuksok ko nanaman yung dalawang daliri ko sa ilong niya pero may something akong nakapa. "Di ka naglinis ng ilong mo kadiri ka!" Sabi ko at tumawa siya.

"Sinadya ko yun pero wag mo ibahin yung usapan!" Nagalit siya.

Natawa ako kasi kadiri na yung feeling sa mga daliri ko kaya inalis ko na at may kulangot pa na medyo basa kaya pinahid ko sa pisngi niya kaya nagalit pa siya lalo.

"Hoy ang bastos mo ha!" Sabi niya sabay tanggal sa kulanggot na nasa pisngi niya.

Tinawanan ko lang siya. "Ano? Sumasagot ka?"

"Aba, hindi ganyan sumagot ang slave." Sabi niya.

"Hindi mo naman ako slave! At kung magiging slave ako, si Ethan na lang ang master ko!" Sabi ko sa kanya.

"Ah ganun? Sige, dun ka na sa TangEthan mo!" Nagalit siya tapos umupo na lang sa upuan niya.

Buong araw hindi niya ako pinansin kaya nung lunch, pumila ako sa napakahabang linya pero buti naman at inorder na ako ni Haru kaya nakakain din agad ako.

Ang swerte ko naman at may mga friend akong  VIP.

After ng class, dumerecho agad ako sa gym kasi may practice daw sila Ethan ng basketball. Pano ko nalaman? Tinext ako nung leader ng fans club namin kaya alam ko. Hindi muna ako umuwi kasi nanuod pa ako ng practice nila Ethan.

Noong natapos na yung practice nila, nagsiuwian na din yung mga ibang fans pero ako, inaantay ko pa rin text ni kuya nagpapasundo ako kasi gabi na.

Habang naghihintay ako, umupo ako sa may bench malapit sa court. Kinuha ko yung bola at nagshooting muna ako kesa wala akong ginagawa.

After ilang minutes, napansin kong may nanunuod na sa akin.

"E-Ethan." Nag ayos agad ako ng sarili ko kasi medyo pawis na ako.

"Tapos ka na ba maglaro?" He asked me. Shet! Totoo ba ito? Kinakausap niya ako?

"Ah, oo." Binigay ko sa kanya yung bola. "Sorry ha, napatagal tuloy yung uwi mo." Sabi ko.

"It's okay." Sabi niya. "Ikaw, gabi na bakit hindi ka pa umuuwi?" OMG! Nag aalala siya sa akin?

"Hinihintay ko pa si kuya." Sabi ko.

"Ganun ba? Then sabayan na kita mag antay tutal may inaantay din ako." He said.

Whaaat? Panaginip lang ba ito?

Magkatabi kaming nakaupo sa bench.

"Ah, may girlfriend ka na ba?" I suddenly asked without thinking.

He looked at me na parang nagulat sa tanong ko. "Kasali ka sa fans club ko tapos hindi mo alam?" He said.

"Ah sorry. Bagong salba lang ako." Sabi ko.

"Ahh. Ayoko muna mag girlfriend kasi yung basketball ang mas importante sakin." He said.

"Talaga? Pareho pala tayo."

"Mahilig ka ba sa basketball?"

"Ah hindi. Ayoko pa rin mag boyfriend kasi mas importante sakin pagiging Valedictorian."

"Ohh. Matalino ka pala."

"Hindi naman."

Naputol yung usapan namin. Tumahimik ng ilang minuto hanggang sa dumating na si kuya. Pero bigla niyang niyakap si Ethan.

"Pucha Ethan! Tagal na kitang di nakita!" Sabi ni kuya pagkayakap nila.

Magkakilala sila?

"Oo nga eh buti naman at napadaan ka." Sabi ni Ethan.

"Susunduin ko sisteret ko. Kaya pala ginabi kasi nanunuod sa'yo." Paliwanag ni kuya.

"Oh. Kapatid mo pala siya." Sabi ni Ethan.

Hindi ako makapaniwala na magkakilala sila.

"Pano Ethan, next time na lang tayo mag kwentuhan ulit at kailangan na namin umuwi." Sabi ni kuya kay Ethan.

"No problem. Sabihan mo lang ako kapag may laban." Ethan said.

"Kuya, bakit di natin siya ihatid tutal sinamahan din naman niya ako?" Sabi ko.

Kinurot ni kuya tenga ko. "Ikaw pasimple ka pa eh gusto mo lang makasama si Ethan."

"Aray kuya!"

"Sumabay ka na samin. Ihahatid ko lang si Nami sa bahay tapos direcho ako sa condo kaya sumabay ka na." Sabi ni kuya.

Hindi sa amin tumitira si kuya kasi naka condo siya malapit sa pinagtatrabahuhan niya.

Sumabay naman si Ethan sa amin at umupo sa back seat. Pero siyempre nagkwentuhan muna kami habang nasa byahe.

"So paano kayo nagkakilala?" I asked them.

"Senior high kuya mo noon and ako freshman. May laban yung schools namin noon and kami yung magkatapat pero natalo ko siya." Ethan told me.

"Wow! Nakakahiya ka pala kuya." I said.

"Sinabi mo pa. Kaya simula noon, kinaibigan ko siya." Kuya said. "Parati kaming naglalaro sa may court kapag may nagkakayayaan kaya ayun, naging close kami."

"So, may bago ka na bang girlfriend?" Ethan asked kuya.

"Sa ngayon wala." Sabi ni kuya.

"Kakabreak lang nila actually last week?" I said.

"Oh sorry to hear that." Sabi ni Ethan.

"It's okay. Eh ikaw ba wala pa rin balak?" Kuya asked him.

"Basketball is life." He said.

"Narinig mo ba yun, Nami? Kaya wag ka na umasa kay Ethan." Asar ni kuya at tinignan ko lang siya ng masama.

Kinabukasan, malungkot akong pumasok sa school. Hindi kasi ako makatulog about sa sinabi ni Ethan. Para akong nabroken hearted na ewan.

"Okay sana nakinig kayo sa lesson today kasi may surprise quiz ako." Biglang sabi ng prof.

Shet! Lutang na lutang ako at puro si Ethan ang nasa isip ko! Wala akong alam sa lesson na ito omaygash!

I tried my best to answer the questions pero hindi ko talaga alam yung sagot kasi hindi nga ako nakinig. And hindi ako nakapag advance study kagabi kasi inuna ko yung panunuod kay Ethan.

"Pass your papers." Sabi nung prof.

"Linis naman ng papel mo." Narinig kong asar ni Dylan sa akin. "Sayang naman yung puno." Kinonsensya pa ako.

"Oo na alam ko." Sabi ko.

"Akala ko ba ayaw mo pang magka boyfriend kasi focus ka sa pagiging Valedictorian?" He asked. "Bakit parang. Baliktad na ata ngayon?"

Nakasalumbaba pa siya sa armchair niya habang nakatilt yung ulo paharap sakin.

I looked at him. "Alam mo ngayon lang ako sasang-ayon sayo kasi na realize ko ang pagkakamali ko."

He smiled "Sabi sayo dapat parati mong sinusunod ang master mo." Sabi niya.

"Okay class. Natapos ko na i-check yung papers niyo. Sad to say iisa lang ang bagsak." Sabi nung prof siyempre alam ko na ako yun. "Dahil lowest ka Ms. Nathalie, I want you to be tutored by Mr. Dylan na consistent top one."

"Yes po." Sabi ko kahit ayaw ko.

Tuwang tuwa naman si Dylan. "Narinig mo? Consistent top one ako. Ano? Lalaban ka pa ba?" Asar niya.

"I won't let this happen again. I'll make sure na ako na ang highest sa susunod." Sabi ko.

"Let's see." He said.

We're Not InloveWhere stories live. Discover now