Chapter 20: The way we met

5.8K 115 1
                                    

Abbigael's Pov:

June 4, 2013 pasukan nanaman sa Rickson Academy.. huling taon ko na to bilang College ... ma mi miss kong pumasok sa school.. kase next year.. maghahanap na ko ng trabaho.. binisita ko na rin sila Mommy at Daddy sa sementeryo bago ko bumalik dito sa Manila..

okay.. take a deep breath .. naglakad na ko sa may hallway.. asan na kaya yung mokong na yun?.. hindi ko pa sya nakikita ah..

sa paglalakad ko ay may nakasalubong akong lalakeng naka shades at napa upo kami pareho sa sahig

"aray naman! hindi kase tumitingin sa dinadaanan eh!"

"ay.. sorry miss.. hindi ko sinasadya.." 

tinulungan nya kong tumayo pero tinanggal ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya

"bitaw nga! hindi naman kita kilala eh!"

"ang sungit mo ah! ano bang ginawa nila sayo sa Laguna ha?!"

tinanggal ko yung shades nya at binatukan ko sya

"bat ka ba kase nambabangga?! kanina pa kita hinahanap eh! "

"eh kase hinahanap din kita ! ang tagal tagal mong pumasok! kanina pa ko naghihintay sayo dito 4 a.m palang ng umaga!"

"eh bakit?! anong oras ba ang pasok dito?! diba 6 a.m ?!"

"ano ba yan.. ang aga ng L.Q nyo ah.."

hinalikan ako ni Eritch sa pisngi, hinagis ko naman kay Damen yung bag ko at sinalo nya naman

"bitbitin mo yan! "

sinuot ko yung shades nya hmm.. bagay naman saken eh..

"hahaha ! bro! nakita namen yun ah! haha ander ka pala eh! hahaha!"

nagtatawanan sa may Corridor sina Kurt, Edge at Knoxx.. 

"oo nga eh.. kung hindi ko lang talaga mahal tong babaeng to eh.."

sabay yakap saken ng mahigpit

"ano ba?! di ako makahinga!"

"sunget!"

"lambingin mo kase... alam mo bang walang ibang ginawa yan dun sa Resort kundi mag muk mok kase nga wala ka dun?.. nagtatampo yan sayo eh.."

sabi ni Edge

"hoy! hindi yun totoo noh! nag enjoy naman ako kahit wala tong mokong na to eh!"

"ah ganon.. sige lalambingin ko to mamaya haha.."

--------SA BAKING CLASS

gumawa kami ng paistries , dinecorate ko na yung gawa kopero pag tingin ko kay Damen ay nagtatancha palang sya ng asukal.. ano ba yan... ang bagal naman nya gumawa.. 

"uy.. mukhang masarap yung gawa mo ah.."

kinuha nya yung isang cookies

"hey you! nangunguha ka ng cookies bad ka! maaaaaam!! si Damen kinuha yung Cookies na ginawa koooo!"

hinabol habol ko si Damen sa loob ng baking class.. naiinis na nga samen yung mga kaklase namen eh kase ang likot namin .. pero wala kaming pakeelam.. basta kami masaya kami sa ginagawa namen haha..

"Ms. Boromeo! Mr. Rickson! anong kalokohan nanaman yan ah?.. ang lalake nyo na para sawayin!  sa detention pagkatapos ng klase ko!"

Meet Mr. Nice Guy COMPLETED! <3Where stories live. Discover now