Attitude 4 : The Devil

7.3K 152 0
                                    

Abigael's Pov:

waa~ ang sakit ng ulo ko.. asan ba ko?.. nandito ba ko sa kwarto ko?.. pero bakit parang hindi pamilyar tong lugar na to?.. biglang tumambad saken ang isang gwapong nilalang na naka top less lang at nagulat ako ng makita kong si Damen yun! kaya napabalikwas ako ng upo sa kama at lumayo sa kanya

"Asan ako?! anung ginawa mo saken?!"

"anung pinagsasasabi mo dyan?! baliw ka nanaman!"

napatingin ako sa suot kong damit.. hala! bakit iba tong suot ko! ibig sabihin naku! may nangyare ba samen ng bwiset na to?! nakita ko ang isang libro sa side table at hinampas ko yun sa ulo nya ng pa ulit ulit

"manyak ka! manyak! anong ginawa mo saken! bwiset ka! napakamanyak mo!"

"aray! aray! hoy tama na! ang sakit! ano ba?! "

nahawakan nya ko sa kamay para pigilan ako

"pwede ba, wala kong ginawa sayo okay?!, sino kaya yung babaeng parang sira ulo kagabe na haharang harang sa tawiran at parang basang sisiw na naglalakad sa ulan?.."

may nag flashback sa isipan ko... oo nga.. naglakad nga ko pa uwe kahit ang lakas ng ulan.. pero pano ko napunta dito sa mokong na to?!

"ang taas taas po ng lagnat mo kagabe at hinimatay ka sa daan kaya inuwi ka namen dito ni papa! ano?.. gets mo na?.."

"ganun ba.. tha--thank you ha..."

napahiya naman daw po ako kase sya na nga yung tumulong saken tapos hinampas ko pa sya ng libro sa ulo

"at saka... haha! ayos huh! sa tingin mo pag iinteresan ko yang katawan mo?! hahahaha! in your wet dreams! hahahaha! makinis at maputi ka lang naman pero pag tinignan yung shape ng katawan mo eh.... ??? hahahaha!"

binato ko sya ng unan!

"sige! mang asar ka pa! masasaktan ka talaga saken!"

"hoy ang kapal mong ibato sakin yang unan ko ah! mas mahal pa sa buhay mo yan , baka akala mo?! hindi ako nakatulog ng maayos kagabe dahil sayo! grabe sa loob ng sarili kong bahay.. natulog ako sa sofa bed habang ikaw para kang prinsesa dyan na ang sarap sarap ng higa mo sa kama ko?!"

"oh? talaga natikman mo yung kama mo?!" hahahaha! Boom! Basag! hahaha!

"oh sige na! mukhang magaling ka na! mawalang galang na lumayas ka na dito!"

"asan yung damit ko?!"

"andun sa may laundry basket pina dry clean na yun ni Daddy, sosootin mo nalang! mahal na prinsesa!"

"ah okay.." nakita ko kaagad ang laundry basket na sinasabi nya at pumunta na ko sa bathroom

"hoy! wag kang sisilip ah!" sigaw ko sa kanya habang nagbibihis na ko sa loob

"kapal talaga ng mukha mo! bakit? may makikita ba ko dyan?.. hahahaha! FLAT?!"

"yare ka lang saken pagtapos ko dito tignan mo!"

may narinig akong nagbukas ng pintuan ni Damen, at narinig ko ang boses ni Mr. Rickson

"oh Hijo nasan ang bisita naten?.. si Abby?.."

"ah magaling na po sya Dad , nagbibihis po sya dun sa bathroom, aalis na daw po sya.."

ayun okay na ko pwede na kong lumabas, paglabas ko ng bathroom ay nakatingin sila saken

Meet Mr. Nice Guy COMPLETED! <3Where stories live. Discover now