Attitude 2: He's Annoying

8.3K 160 2
                                    

Abigael's Pov:

nakatayo ako sa may corridor dahil maaga akong pumasok ngayon.. ewan ko kung bakit .. nakita ko si Mr. nice guy daw ? na papasok na ng classroom pero hindi ko sya pinansin hmp! pake ko sa kanya!

*kkrrriiinnnnggg!!*

nag bell na, kaya pumasok na ko sa loob, grabe lang ang lamig ngayon.. tag-ulan kasi.. ang lakas pa ng hangin sa labas sa tingin ko kaylangan ko ng mas makapal pang jacket o kaya sweater

napansin kong manipis din ang jacket na suot ni mr. nice guy pero pakeeelam ko sa kanya , ang kakaiba lang ay hindi nya ko inaasar ngayon , irap lang sya ng irap saken tapos nakikipagplastikan sya sa mga kaklase namen hm! kala mo kung sinong anghel!

nag simula ng mag lecture yung prof namen habang si mr.nice guy naman ay nakikipag flirt dun sa isang babaeng katabi nya hay... ang landi talaga.. eto namang babaeng to kala mo mabait yan??.. at nagpapadala ka sa ngiti ng impostor na yan?.. hmm.. nadi distract talaga ko sa dalawang kumag na to ei.. maglalandian na nga lang dito pa sa classroom...

"ughh.. your so kind and honest talaga..."

sabi nung babae haha! ayan?.. kind and honest?! haha! halimaw at demonyo kamo hahaha!.. nakakadiri haha! kinikilabutan ako pag nakikita kong ngumingiti yang lalake na yan

pag uwi ko sa bahay akala ko magiging simple lang ang gabing ito  pero isang bisita ang hindi ko inaasahang darating ...

*Ding Dong*

tumunog yung doorbell sa condo ko, pagbukas ko ay nakita kong nakatayo at nakatingin saken si Aeron , sya ang kababata ko at first love ko .. 

niyakap ko sya ng mahigpit dahil na miss ko sya... naging mahirap para saken ang iwan sya sa lugar na kinalakihan namin.. pero wala akong magagawa kundi sundin ang tito ko.. kaya sinubukan namin ang long distance relationship kaya hindi talaga kami pwede ng walang communication kaya nagkakatext kami araw araw at minsan nagcha chat pero ngayong gabing to... kakaiba pa rin ang pakiramdam kapag malapit ka sa taong mahal mo..

"Aeron.. bakit hindi ka man lang nagtext or tumawag saken ? hindi ka man lang nagpasabe na darating ka?.. " tanong ko sa kanya

"na miss kita..." sabi nya saken , nakita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.. pero bakit parang may naaaninag akong lungkot sa awra nya?.. hindi kaya may dahilan ang biglaang pag punta nya dito?...

"ako din... sobra.. kelan ka ba babalik ng laguna?.. dito ka ba muna mag i istay?.. or nag pa transfer ka rin ba dito?.." 

"ahm... hindi na ko magtatagal... tinignan lang kita kung okay ka lang dito... "

"te-teka .. bakit?.. ngayon nga lang tayo nagkita ulit ei.. tapos--

hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hinalikan nya ko sa mga labi ko.. naramdaman ko ang init ng hininga nya at ang pagyakap nya sakin.. pinawi nya ang lamig na nararamdaman ko... ngayon ko lang ulit naramdaman na safe ako...pero nalulungkot ako dahil panandalian lang pala ang kasiyahang nararamdaman ko...

" sige na.. aalis na ko.." malungkot nyang sabi na parang nadudurog talaga ang puso nya 

"teka.. san ka pupunta?.. bakit may dala kang maleta?.."

"im sorry.. i have to leave the country tonight... may trabahong naghihintay sakin sa U.S.A. kaya baka matatagalan pa bago ako makabalik dito sa Pinas"

parang gusto kong maglaho sa kinatatayuan ko sa narinig ko... hindi ko kakayanin ng mas malayo pa yung communication namen...

"im really really sorry abby... sa tingin ko.. kaylangan mo nang magmahal ng iba...yung maaalagaan ka.. yung hindi ka iiwan.. yung dadamayan ka sa mga problema mo.. masakit para saken na gawin to pero.. kaylangan ei.. sorry talaga..." 

Meet Mr. Nice Guy COMPLETED! <3Where stories live. Discover now