Chapter 6 We are ONE!!

3.5K 236 84
                                    

Chapter 6

We are ONE!!!

-------------------------

Maadik sa Pandemonay ni Kai

--------------------------







"SUHOOOOOOO!!!!" Umalingaw-ngaw ang napakatinis na boses ni Chen sa buong barangay maski sa kabundukan. Chos.




Galit na galit si Chen kay Suho at Xiumin. Naramdaman na nyang naikwento ni Suho sa mga kaibigan ang pagtatapat nya kay Dina. Nagtago naman si Suho sa likod ni Kris.

"Suho, umalis ka nga dyan." Iritableng sabi ni Kris.

"Tae. Kampihan mo naman ako kahit minsan." Sabi ni Suho habang hila-hila ang dulo ng damit ni Kris.

"Mapupunit yung damit ko Gago!" Hinampas ni Kris yung kamay ni Suho pero di pa din ito umaalis.

"Loko ka Suho! Alam mo namang bobo ako sa math eh!" Galit na sabi ni Chen.

"Peace tayo!" Nagpeace sign si Suho na parang bata. Masmalala pa sa aegyo ni Sehun.

"Peace mo mukha mo!" Sabi ni Chen.

"Ang totoong pakay kasi namin dito ay hindi ang magpaturo sa math." Paliwanag ni Lay.

"NAKS! LAY! GUMAGANON!!" Asar ni Kai.

"THHHHH. QUIET." saway ni Sehun.

"E ano ba pinunta nyo dito sa kastilyo ko?" Tanong ni Chen. Umupo na lang ito sa tabi ni Xiumin, hinayaan na lang nya si Suho.

"Kastilyo daw?!" Nag-smirk si Suho. E kasi nga, mayaman si Suho. Di mo siya masisisi kung bakit ganun na lang siya ka-ere pagdating sa mga gamit o bahay.

"Manahimik!" Saway ni Sehun.


"Ayan. Nalimutan ko tuloy sasabihin ko. Ang daldal nyo kasi! Minemorize ko pa naman din yon!" Nagtampururot si Lay. Pinaghandaan pa naman nya ang kanyang sasabihin ngunit wala na siyang maalala. Yumakap na lang ito sa katabi nyang si Kyungsoo.


"Hoy! Property ko yan! NO TRESSPASSING!" Sigaw ni Kai

"Bakit? Sayo siya? Binili mo?!" Tanong ni Lay.

"Kusa siyang lumapit sakin gagu!" Sagot ni Kai.


"NIGGA!!!" sagot naman ni Lay.

"PTTTTHHTHTH!!! TAMA NA YAN! NAG-AAWAY NA NAMAN KAYO." saway ni Sehun.

Napapunas ng pisngi si Kris. Natilansikan siya ng laway ni Sehun. "Tigilan mo na yang kasasaway mo Sehun. Yung laway mo eh!" Reklamo ni Kris with a bish face.

Napayuko na lang si Sehun at hinaplos naman ni Luhan ang likod nito.

"Ano ba ang pinunta nyo?" Tanong ni Chen.

"Dahil malapit na ang Summer, dapat maging girlfriend mo na si Dina!" sabi ni Tao.

"Yon!" Singit ni Kai.

"Yun yung sasabihin ko dapat eh!" Tampong sabi ni Lay.

"Oo. Kaya tutulungan ka namin!" Sabi ni Chanyeol.


ChenChen Bureche [Completed] [EXO]Where stories live. Discover now