Chapter 7 Striktong Patnubay at Gabay

3.7K 182 49
                                    

Second to the last chapter na ito! ^^ hoho.

Chenchen Bureche

Chapter 7
Striktong Patnubay at Gabay

-----------------------

Mahalina sa Gums ni Kris....

-------------------------

Minake over ng 11 gwapo ang ating bida-bidahang si Chen. Naging matagumpay kaya sila?

"Chen, alam kong kaya mo yan. Konting hinga pa at talagang mapapasagot mo na yang si Dina." Sabi ni Kai.

"Ipagdarasal kita kay Buddha." Sabi ni Suho.

"Alam kong may gusto sa akin si Dina, ramdam ko yun Chen. Pero wala akong nararamdaman na anything special para sa kanya..." naputol ang sinasabi ni Luhan ng biglang sumingit si Sehun.

"Dahil para sa akin ang special feelings na yon." Sabi nito. Ngunit tinapalan ni Chen ng crumpled paper sa bibig si Sehun at hindi na ito makapagsalita.

"Sige ituloy mo.." ani ni Chen kay Luhan.

"Kaya alam kong may pag-asa ka. Kaibigan kita kaya alam ko kung ano ang makakabuti. Kung saan ka masaya, doon ako." Sabi ni Luhan at ngumiti.

"Pare, ang busy natin ah!" Bati ni Chanyeol kay Kris.

"Pare, wag kang magulo." Seryosong seryoso si Kris sa ginagawa nya. Nakatungo ito sa kanyang desk at hindi man lang tinitignan si Chanyeol.

"Di naman ako magulo. Kinakamusta ka lang." Sabi ni Chanyeol.

"Oo pero wag mo akong daldalin, nagcoconcentrate ako." Sabi ni Kris.

"Ano ba kasi yan?" Tanong ni Chanyeol. Umupo ito sa bakanteng upuan sa tapat ni Kris at tinignan ito.

Iniangat ni Kris ang ulo nya. Nginitian nya si Chanyeol, ngiting tagumpay. At pinakita ang kanyang mahiwagang sketch pad.

"Tang ina mo Kris! Ano yan?!?!?!" Nagulantang si Chanyeol sa kanyang nakita. Di siya makapaniwalang gumuhit si Kris ng ganoong bagay. Hindi nya maexplain kung anong bagay o hayop ba iyon.

"Di ba? Maski ikaw ay namangha? Napakagaling ko talagang magdrawing noh?!" Nakangiti itong kita ang pinkish nyang gums.

"Gago! Anong namangha? Tangina. Ano ba yang dinrowing mo? Mukhang ipis! Hahaha!" Hindi na naman pumantay ang mata ni Chanyeol sa kakatawa. Lagi siyang ganyan, nagiging kirat ang isang mata. Napapapalakpak siya sa kakatawa kaya nabaling ang atensyon sa kanya ng mga kaklase.

"Grabe ka! HINDI MO MAAPPRECIATE ANG TUNAY NA WORK OF ART?! NAKAKAHIYA KA! Daig ko pa si Leonardo da Vinci sa galing ng aking mga kamay!" Pagmamayabang nito at pagtatanggol sa kanyang likha. Pinakita ni Kris sa kanyang mga kaklase ang nagawa nyang ipis. Este drawing. O kung ano mang creature yon na nakakadiri ang itsura.

"Tignan nyo, nababaliw na si Kris." Bulong ni Kai kanila Chen.

"Oo nga eh. May topak na. Work of art daw yon? Hahaha." Sabi ni Suho.

"Makalait naman kayo, parang kaganda ng mga drawing nyo ah!" Sabi ni Luhan.

"Aysus! Sumisipsip ka lang kay Kris!" Sabi naman ni Chen.

Nagkatinginan silang lahat, kasama si Sehun.

"Siya na kasi ang leader ng grupo mula next year...." sabi ni Chen.

"Oo nga eh. No Choice tayo." Sabi ni Sehun.

"Si Suho naman kasi! Muntanga! Pinili pa si Kris!" Sisi ni Chen.

ChenChen Bureche [Completed] [EXO]Where stories live. Discover now