Chapter 3 Kai, Jongdae at Lay

5.2K 257 180
                                    

---------
A/N: sorry sa super lame na update. Di ko nga alam kung may nagbabasa pa nito. TT___TT AKo lang nagbabasa. Lol. Medyo hahaba ito. Di lang 5 chaps. Di ko kaya eh. -____-

sana suportahan nyo. yun lang. pero kung hindi talaga uukol. hindi bubukol. bukulan na lang natin si Chen. Okay, shut up na ako. TT__________________TT

---------------------------------------------------

ChenChen Bureche

Chapter 3

Kai, Jongdae at Lay

---------------------------------------------------------------------------------------

May naalala na si Lay....

-----------------------------------------------------------------------------

Napakaganda ng bungad ng umaga kay Chen, bukod sa busog na busog siya sa tapsilog na inihanda para sa kanya ng kanyang ina, may homework siyang maipapasa sa English. At lalong-lalo na, ngayon ang unang araw ng kanyang pagtuturo kay Dina sa math.

Wala pa ding pumapasok na guro sa loob ng classroom nila kaya naman hangga't makakadaldal, gagawin at gagawin nila. Humarap sa likod si Suho upang kausapin ang nakatulalang si Chen.

"Huy! Chenchen!! Yooohooooo!!" Ikinakaway-kaway ni Suho ang maliit nyang kamay sa tapat ng mukha ni Chen.

Pansamantalang itinigil nito ang pagkaway noong mapansin nya kung saang direksyon nakatingin si Chen. Sinundan nya ang tingin nito at nakita nyang ang naglalakad papunta sa kanyang upuan na si Dina pala ang tinitignan ni Chen.

"AHA!" Sigaw ni Suho. "Ikaw ah! Si Dina pala! Kanina ka pa nakatulala dyan eh!" Asar ni Suho kay Chen. Tinusok tusok nito ang tagiliran ni Chen para asarin si Chen and at the same time, para kiligin si Chen.

Pero walang epekto ang ginawa ni Suho. Nakatulala at naglalaway pa din si Chen. Napakamot ng ulo si Suho at nagpout.

"Kahit anong gawin mo, di ka papansinin nyang si Chen, kanina pa yan nakatulala eh. Tas bigla na lang ngingiti. Tapos tatawa mag-isa ng walang dahilan. Parang may..." inikot-ikot ni Kai ang hintuturo nya sa tapat ng kanyang sintido.

"Ohh." Tanging nasabi ni Suho.

"Kapag tinanong mo yan kung kamusta crush nya. Tatawa yan ng sobrang lakas at parang kinikilig na ewan. Kinikilabutan nga ako sa itsura nya eh." Dagdag pa ni Kai.

"Hahaha!" Natawa ng bahagya si Suho at humarap na sa pisara at kinuha ang libro nya't binasa ang lecture notes nya.

"Aray!" Hinawakan ni Baekhyun ang ulo nya noong may tumamang crumpled na papel dito.

"Sino nambato kay Baekhyun ko ha?!" Galit na sabi ng katabing si Chanyeol. Ngunit walang pumapansin sa kanya.

ChenChen Bureche [Completed] [EXO]Where stories live. Discover now