Chapter 4

4.3K 115 7
                                    

***Announcement***

Guys, baka magkaroon ako ng booksigning sa SM North, July 17 1-4 PM . By next week daw kasi ay ire-release na ang Curse of Love. Sana ay makapunta po kayo sa first ever booksigning ko. : D

Chapter 4

PAGSAPIT ng alas siete ng umaga ay mabilis nang kumilos si Erin. Matapos niyang makapag-update ng mga status ng mga rooms sa log book at computer ng housekeeping office ay bumaba na siya ng locker room para kuhanin ang gamit niya. Hindi na siya nakapag-paalam sa mga AM shift na nandoon din sa locker room dahil okupado ng takot at pangamba ang isip niya.


Kanina nang i-check niya ang status ng 326 ay nakita niyang naka-occupied pa rin iyon. Pero nang makarating siya sa front desk area ay naikwento ng receptionist doon na nakita daw nito ang gwapong lalaki na lumabas ng hotel kaninang alas sinco ng umaga. Kinikilig pa nga ito nang magkwento sa kanya at parang gusto niyang batukan ang receptionist na iyon dahil mas lalo lang nitong pinakaba ang puso niya.

Minalas pa siya dahil habang nagda-dial siya ng number sa kanyang cell phone para tawagan si Emily ay nahagip naman siya ng bisikleta dahilan para mahulog sa kanal ang phone niya. Sa sobrang inis niya ay namura pa niya ang lalaki pero mas lalo lang itong kumaripas ng takbo matapos sabihin na, "Paharang-harang ka kasi sa daan!"

"Gago! Masagasaan ka sana ng ten wheeler truck!" Halos ay maglabasan ang ugat sa leeg niya dahil sa sigaw niyang iyon.

Wala na ang kanyang 3210 na cell phone. Hindi na niya matatawagan si Emily para mabantayan nito ang anak niya. Diyos ko! Wala siyang katiwa-tiwala kay Randall. Iniisip niya na baka pagdating niya sa oapital ay wala na si Ezekiel dahil kinuha na ni Randall.

God! Hindi puwede!

Kaya naman hinayaan na niya ang kanyang cell phone at sumakay na siya ng bus papunta ng ospital. Nang makarating ay dumeretso na siya sa kuwarto ng anak at doon ay naabutan niyang nakikipagtawanan si Ezekiel kay...

"Randall!" Parang galit na toro na sumugod si Erin sa binata. "Lumayo ka nga sa anak ko!"

"Mama, bakit mo inaway si Papa?"

"A-ano ang tinawag mo sa kanya, anak?" Binalingan ni Erin si Ezekiel.

"Papa. Sabi niya siya ang papa ko. May pinakita po siya na picture na magkasama kayo. Nag-sorry na rin po siya kung bakit natagalan sa pag-uwi at nangako po si Papa na hindi na tayo iiwan kahit na kailan!"

Nakita ni Erin kung paamo kumislap ang mga mata ng anak nang sabihin iyon. Gustuhin man niya na salungatin ito ay hindi naman niya magawa dahil ayaw niya na masira ang kasiyahan ng anak na nakikita niya.

"At saka sabi niya rin po ay siya na ang palagi na maghahatid sa akin sa school kaya dapat na magpagaling ako agad. Gusto ko na ipakilala si Papa sa mga umaaway sa akin."

Tuluyan nang napanganga si Erin pagkuway napatingin kay Randall na todo ang pagngiti marahil sa nakikita sa expression sa mukha niya. Goodness! Sino ba ang hindi mapapanganga kung bigla-bigla sa isang kisap lang ng mata ay napaniwala nito agad ang kanyang anak.

Pero paano nga ba napaniwala ng lalaking ito si Ezekiel? Tss! Ang walang-hiya! Siguro kung anu-ano ang sinabi nito sa anak ko para lang mapaniwala na mabuting tao siya.

"Ganoon ba? Ah, sige, mag-uusap muna kami ng papa mo, ha?" Paalam niya sa anak pagkuway kasabay din niyang inilabas si Randall. "Hoy! Ano na namang kalokohan ang sinasabi mo sa anak ko?" Gigil niyang hinampas ang balikat nito nang makalabas na sila ng kuwarto ni Ezekiel.

Sweet Surrender (Published under PHR)Where stories live. Discover now