Chapter 1

5.4K 138 20
                                    

Chapter 1

10 years later

MARAHANG hinaplos ni Erin ang isang lumang litrato kung saan may kasama siya doon na isang guwapong lalaki. Masaya at walang alalahanin ang mga ngiti niya doon habang nakaabay sa kanya si Randall. God! Parang kahapon lang nangyari ito pero hindi. Sampong taon na ang nakakaraan. Hindi na niya alam kung nasaan ngayon si Randall.

Naiiling na binalik na niya sa kahon ang litrato. Kung bakit naman kasi nasanggi niya ang kahon na ito nang kuhanin niya ang lipstick sa tabi nito kanina.
Ah! Baka nagpaparamdam?

Napabuntong hininga na lang siya pagkuway umupo sa gilid ng hinihigaan niyang papag at hinilot ang magkabilang sintido.

"Mama?"

Napatingin siya kay Ezekiel na kakapasok lang ng kuwarto. Si Ezekiel ang naging bunga ng pagmamahalan nila noon ni Randall, magsa-sampong taong gulang na ito sa susunod na buwan kaya naman ngayon ay todo ang kayod niya sa trabaho upang mapaghandaan ang darating na kaarawan ng anak. Ngumiti siya at ibinuka ang mga braso upang masugod siya ng yakap ng kanyang anak.

"Masakit po ang ulo niyo?"

"Medyo. Kiss mo naman ako, o." Lambing niya sa anak. Sumunod naman ito at hinalikan nga ang sintido niya. Hindi pa ito nagkasya dahil hinilot pa ng munting kamay nito ang ulo niya.

Napangiti na lang siya sa ginawa nito. May partikular na alaala ang biglang sumagi sa isip niya. Paano ay ganito din ang ginagawa ni Randall noon. Napakalambing nito at very caring pa. Kaso nasobrahan kaya pati sa ibang babae ay nagiging malambing din ito. Lihim na lang siyang napailing.

Aaminin niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nawawala sa puso niya si Randall. Syempre ay ito ang ama ni Ezekiel pero sa tuwing maaalala niya ang kataksilan nito ay mabilis na naglalaho iyon.

Lalo pa at nang araw na iyon ay hindi man lang siya naalala na suyuin ng magaling niyang nobyo! Buong magdamag siyang hindi kinontak nito. Ano ba naman 'yong suyuin siya nito, magmakaawa o humingi ng tawad sa ginawa nito? Bibigyan niya naman ito ng second chance kung sakali na naramdaman niya na sincere ito kaso ay hindi.

Feeling niya ay tuwang-tuwa pa ito na nakipaghiwalay siya. Kaya naman nang magdesisyon ang mga magulang niya noon upang mag-migrate sa ibang bansa para doon na manirahan ay hindi siya nagdalawang-isip at sumama siya agad sa mga ito. Gusto niya rin kasi na makalimutan na si Randall, ayaw na niyang manatili sa Pilipinas kung saan ay nandoon si Randall. Nangako din siya sa kanyang sarili na hindi ipapaalam kay Randall na may magkakaroon sila ng anak.

Hindi alam ng mga magulang niya na buntis siya nang mga panahon na iyon, hindi din alam ng mga ito ang tungkol kay Randall dahil lihim lang ang relasyon nila kaya naman nang nasa America na sila ay laking gulat ng mga ito nang malaman ang kalagayan niya. Humantong pa na muntik pa siyang palayasin ng ama dahil sa sobrang galit nito, muntik na rin itong mapauwi sa Pilipinas para lang komprontahin ang nakabuntis sa kanya pero nagmakaawa siya na huwag nang puntahan si Randall. Sinabi niya ang kanyang plano na hindi ipapaalam kay Randall itong pagbubuntis niya. Sa tulong ng kanyang ina ay nakumbinsi niya ang kanyang ama. Kaya naman siya nitong buhayin ng kanyang anak dahil may kaya sila... noon.

Namuhay sila sa America nang payapa. Pero hindi iyon nagtagal dahil nalulong sa casino ang kanyang ama. Akala nito ay makakakuha palagi ng easy money dahil noong una ay palagi itong nananalo pero nang magtagal ay natatalo na ito. Nangutang pa ito ng malaking halaga sa loan shark at ang kapalit na interes ay halos triple ng inutang nito. Ipinansugal nito ulit ang pera pero natalo ulit ito.

At dahil kailangan na mabayaran ang utang ay ibinenta ng kanyang ama ang mga ari-arian nila hanggang sa wala nang natira sa kanila. Napilitan silang umuwi ng Pilipinas gamit ang natirang pera mula sa pinagbentahan ng ari-arian nila. Nang nasa Pilipinas na sila ay nagmistula silang mga pulubi na nakisilong sa bahay ng kanyang Lola Dona, ang lola niya sa mother side.

Sweet Surrender (Published under PHR)Where stories live. Discover now