Chapter 2

4.1K 136 19
                                    

Chapter 2

MALALALIM na paghugot ng hininga ang ginawa ni Erin matapos niyang makaalis sa loob ng kuwarto kung saan nandoon si Randall kasama ang babae nito.
Diyos ko! Pakiramdam niya ay sobrang liit niya kanina habang tinataray-tarayan lang siya ng babaeng 'yon. She never felt humiliated before. Ngayon lang! Oo at naka-encounter na siya ng guest na may kakaibang ugali pero iba ito. Nasasaktan siya. Napaupo na lang siya sa monoblock at tahimik na umiyak. Kailangan niya na ilabas itong sama ng loob niya dahil sigurado na kapag nanatili ito ay sasabog na lang siya.

Kanina, nang nasa loob siya ng kuwarto ay kitang-kita niya ang paglalambing ng babaeng iyon kay Randall na akala mo ay walang ibang tao sa paligid. At ang pinalitan niyang bedsheet kanina, Diyos ko! Virgin pa 'ata ang babae nang mag-anuhan ang mga ito. Paano, may bakas kasi ng dugo iyon.

Kaya ka ba umiiyak dahil nasasaktan ka pa rin na makita na may iba si Randall?

No!

Hindi siya nasasaktan nang dahil doon. Naiinis siya dahil sa lahat naman ng lugar na puwede silang magkita ng lalaking ito ay dito pa! Sa isang awkward na pagkakataon pa! Marahas niyang pinahid ang mga luha na naglandas sa kanyang pisngi. Tama na! Hindi na siya iiyak. Tama na ang luha na lumabas sa kanyang mga mata. Baka maging dehydrated pa siya dahil sa kakaiyak.

Ano kung nandito si Randall? As if naman may pakialam pa ito. Nang tinataray-tarayan nga siya ng babae ay wala itong ginawa. Nakatitig lang ito sa kanya at base sa anyo nito ay halatang nagulat din ito nang makita siya. Hindi din siguro nito inaasahan na magkikita sila dito.

Pero ang mas kinakatakot ni Erin ngayon ay ang kaalamang maaari na malaman ni Randall na may anak sila. Hindi ako papayag na malaman niya na may anak kami! Sabihin na niyang madamot ako pero wala akong pakialam. Naging matigas ang anyo niya. Tumayo na siya pinatatag ang kanyang sarili. Kailangan na hindi mahalata na umiyak siya! Aakto siya na parang walang nangyari. Tama! Iyon ang gagawin niya.

Lumabas na siya ng stock room at tsinek ang mga halaman na nakadisplay sa labas ng hotel. Isa din ito sa ginagawa niya bilang graveyard dahil bilin sa kanya ng housekeeping supervisor niya ay lagi niyang panatilihin na fresh ang mga halaman. Iyon din kasi ang bilin ng nakakataas dito dahil ito ang nakaka-attract sa hotel. Kilala ang hotel na pinagtatrabahuan niya bilang Garden House dahil sa mga halaman at bulaklak na nakapaligid dito. Sapat ang tubig para sa mga ito na umaagos pero kailangan pa rin niyang i-check. Nang matapos ay akmang tatalikod na siya nang bigla siyang mabangga sa isang matigas na bagay. Nang tumingala siya ay napalunok na lang siya dahil si Randall pala iyon.

"God! Erin, ikaw nga 'yan." Nakangiting sabi nito pagkuway akmang yayakapin siya nang bigla siyang lumayo. "Erin..."

"Please, huwag kang umakto na parang close tayo. Nagtatrabaho ako dito at ikaw ay guest namin. Ayaw kong mapagalitan kapag nakita ako na may kalandian dito kaya lumayo ka na," mataray niyang sabi pagkuway akmang lalagpasan na ito nang bigla siya nitong hilain sa may gilid. Doon sa may kadilimang lugar. "A-anong gagawin mo sa akin?" Nahintakutan niyang sabi. Paano ay hindi pa din nito binibitawan ang braso niya.

"Nilayo lang kita kung saan walang nakakabit ng CCTV camera dito," nakangiting sabi nito. "How are you? Ang tagal natin na hindi nagkita."

Nanatili lang na tahimik si Erin. Ayaw niyang makipag-usap dito. Saka bakit nga ba ito lumalapit sa kanya? Nasaan na ang babaeng kasama nito?

"Erin, alam kong galit ka pa rin dahil sa nangyari noon. I'm sorry, hindi ko sinasadya na-"

"Sampong taon na ang nakakaraan mula nang mangyari iyon, Randall. Naka-move on na ako. Wala na sa akin 'yon. Isa pa ay mabuti nga na maaga kong nalaman na manloloko ka pala. Masaya na ako kung saan man ako ngayon."

Sweet Surrender (Published under PHR)Where stories live. Discover now