Chapter Twelve.

9.8K 139 12
                                    

Continuation..

DJ's POV.

"Inutusan mo ba sila?" Kath, seriously? Pinagduduhan mo ako? </3

"A--a--ano?" Yan lang nasabi ko.

"Ganyan ka ba kagalit sakin DJ? Next time, kung gusto mo akong saktan, yung mga pro ang utusan mo, di yung mga tulad lang nila. Ano bang gusto mo? Makita akong duguan? Eto oh!" sabi niya sabay punas sa noo niya may konting dugo at pinahid sa damit ko.

Napatingin lang ako sa damit ko. Then I looked at her..

Naluluha na ako..

Di nagtagal, tumulo na nga ang luha mula sa mata ko..

She looked at me then she ran away..

Tinignan ko lang ang kotse niya na papalayo na.. Be home safe, Kath. Sabi ko sa isip ko.

"Sir, tayo na po." sabi ng driver. Pumasok na ako sa sasakyan at umuwi na kami. Nang napadaan kami sa bahay nila Kath, nandun na sasakyan niya. Thank goodness she's home. I hope she's okay.

Pero galit pa rin ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magagalit kung pagbibintangan ka ng ganun katindi? Nakakainis. I should hate you Kath, pero nag-aalala pa rin ako. Pano pag di ako dumating? Ano kaya mangyayari sa kanya? 

Hay Kathryn. Ako na nga tong sinaktan ikaw pa rin iniisip ko? ~______~ 

Sa sobrang BV ko, pinagsisipa ko ang mga gamit ko dito sa kwarto ko kasali na yung black box, nakalat ang laman nun, at nakita ko ang hate letter na para kay Kath.. binasa ko ulit.

 "...i'm warning you Kath, wag na wag mo siyang sasaktan. Kahit siya lang. Pag sinaktan mo siya lagot ka sakin. This is going to be the first and last warning Kath, one wrong move mo kay DJ, lagot ka na..."

Ang sulat na 'to. Ang nagsulat nito.. Siya siguro ang may pakana sa nangyari kay Kath kanina.

There's only one girl I know na possibleng may gawa nito..

Siya...

Si Chelsea.. Siya lang naman tong lapit ng lapit sa akin lately. Isa pa, nakwento ko rin kasi sa kanya na nag-away kami ni Kath. Tsaka kanina nung nasa restobar kami, sabi niya may vibes siya na she has something to celebrate daw. WTF Chelsea. 

TOGETHER (To Get Her)Where stories live. Discover now