Chapter Six.

12.4K 170 10
                                    

SATURDAY.

[Kath's POV.]

May overnight kami mamaya kanila DJ. Pinasama ko na rin ang barkada kahit para sa Music Club practice lang ang overnight na yun. Para masaya, at syempre para naman may mga girls akong kasama. Iilan lang kasi kaming mga babae sa music club eh, di ko pa close yung mga yun. Medyo malelate ako ng punta mamaya dahil may training pa ako sa Muai Thai at may violin lessons pa pagkatapos nun. 

[Fast Forward]

Natapos na rin ako! Ang sarap ng feeling ng may natutunan kang bago sa bawat araw na dumadaan. :) Naligo na ako tapos naglakad na papunta kanila DJ. Sabi ni Neil, sabay-sabay na raw kaming magdinner dun. Wala pang 1 minute andito na ako sa gate nila, nakabukas naman kaya pumasok na ako. Nakita ko agad ang boys nasa garden, may konting drinks sa table at--- sigarilyo. Takte! Nakakainis. Ayaw ko talaga sa mga taong naninigarilyo eh. Si DJ pa talaga ang una kong nakita na naninigarilyo. Tsk. DJ, akala ko mabait ka. Super wrong move yan. :/ Pero dahil ayaw kong magmukhang pakialamera, kalmado lang akong lumapit sa kanila na parang okay lang ang lahat.

"Hi guys!!" bati ko sa kanila. Halatang nagulat sila. Si Neil, EJ at Diego naman, mukhang natakot.

"Hello Kath!' bati ng ibang boys, kasali si DJ na may hawak pang sigarilyo. Si Neil naman, agad-agad kinuha ang sigarilyo na hawak ni DJ tsaka tinapon.

"Ba't di ka man lang nagtext na pupunta ka na pala dito?" tanong ni Diego.

"Bakit? Kelangan pa ba?'' tanong ko sa kanya.

"Ah. Eh. Eh hindi naman.'' sagot niya na halatang natatakot.

"Oh? Bakit parang natatakot kayong dalawa diyan? Tinapon niyo pa ang sigarilyo." tanong ni DJ kina Diego, EJ at Neil

"Oo nga, di ko naman kayo papatayin eh. Yang sigarilyo niyo ang papatay sa inyo. Haha! Sige na, puntahan ko muna ang girls." Galing ko talaga magpanggap, galit na talaga ako dapat dahil yung ibang boys naninigarilyo pa rin sa harap ko eh. Buti nalang napigilan ko sarili ko. 

[DJ's POV.]

"Hoy kayo diyan! Kanina pa kayo takot ah?" tanong ko ulit sa dalawa ng makaalis na si Kath.

"Kayo kasi, nanghamon pa kayo nitong sigarilyo." sagot ni Diego

"O bakit ba? Tsaka first and last try ko yun noh! Hindi ko na uulitin." sagot ko.

"Talaga! Kundi lagot tayo kay Kath." sabi ni Neil

"Bakit? Anong meron kay Kath? Wag niyo sabihing takot kayo sa sinabi niyang papatayin tayo ng isang napakaliit na stick na 'to? Hahahaha!" biro ng isang member.

"Wala kasi kayong alam." sabi ni EJ

"Ano naman ang hindi namin alam?" tanong ko.

Napabuntong hininga si Neil tapos nagkwento siya. "Isa talaga sa pinakaayaw ni Kath ay ang mga taong naninigarilyo. Natrauma kasi siya dati dahil nasunog ang bahay ng Lola niya dahil sa sigarilyo, at ng mga panahong yun, nandun siya sa loob ng bahay. Buti nga may nagligtas sa kanya."

"Siguradong galit yun sa'tin, lalo na sayo DJ! Ikaw ang naabutan niyang naninigarilyo." Eto namang si pinsan o, lakas manakot! Pero sa totoo lang, parang gusto kong magsorry kay Kath.

"Sus. Daming drama sa buhay ni Kath. Pwede na sa MMK. Hahaha! Tayo na nga sa loob, sabay na tayo kumain sa girls." Yaya ko sa kanila tapos pumasok na kami. Naabutan namin ang girls na nagkwekwentuhan sa dining area.

TOGETHER (To Get Her)Where stories live. Discover now