Chapter Nine.

10.5K 142 8
                                    

Kath's POV.

"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! Ano ba DJ! Tigilan mo na nga yan! Sakit na ng tiyan ko!" ^_________^

Nandito kami ni DJ ngayon sa terrace nila. Mga ilang weeks na rin mula nung Program sa school. Napapadalas na ang tambay namin ng barkada dito sa bahay nila, sawa na kasi kami sa mga bahay namin e. HAHA. Misan rin kami lang dalawa ni DJ ang nagbabonding dahil busy sa pagdedate ang lovebirds, at si Neil naman, ayun, chix ang trip. Masaya rin kasi kasama si DJ. Isa pa, boring sa bahay kaya dito ako tumatambay, minsan naman siya ang pumupunta sa bahay namin.

Facedance trip namin  ngayon sabay picture2x. Kakatuwa mukha niya e, pinandigan talaga ang pagiging alien. 

"Isa pa! Bilis!" sigaw ni DJ. "1, 2, 3 smile!" *click* tapos tinignan namin ang mga shots.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Delete na natin yan. Nakakahiya kung may makakita." sabi ko.

"Wag! Save muna natin sa laptop ko saka natin idelete" sabi ni DJ.

"Osige, sige." sabi ko tapos tinignan ko watch ko. "Hala, 8 pm na. Uwi na ako DJ. Kaw na bahala diyan ha. Bye!" Sabi ko sabay tayo, tapos hinila ako ni DJ.

"Hey wait! Kath naman e. Wala akong kasama dito, wala ka rin namang kasama sa inyo, dito ka muna, PLEASE?" sabi niya with matching puppy eyes pa!

"Ew DJ, wag kang magpacute. Para kang sira!"

"Gwapo naman." sabi niya tapos binatukan ko siya, nalakasan ko ata.

"Aray naman Kath! Masakit yun ah!"

"Ay sorry, sorry!" sabi ko habang nagpipeace sign.

"Di kita patatawarin kung uuwi ka na." Andaya naman!

"DEEEEEEEEEJAAAAAAAAAAAAAAAAAAY?!"  tapos hindi na niya ako pinansin, patuloy lang siya sa pagsave ng pictures namin. Naman to oh! Kung umasta parang boyfriend ko na kailangan magmakaawa talaga ako. "Pssssh! Okay fine. Mamaya na ako uuwi."' :( 

"Good girl!" sigaw niya sabay gulo sa buhok ko. Mukha ba akong aso?

"Pinapatawad mo na ako? Yeyy! Makakauwi na rin ako! HAHAHA! Bye DJ!" :P 

"Hoy! Sabi ko, good girl. Di ko yata sinabi na okay na tayo."

"Naman e! Ayan ka na naman! Ano pa ba gagawin ko dito?" naiinis kong sabi.

"Diba magpeperform tayo ulit para sa program na naman sa school? Pili na tayo ng kanta!" Oo nga pala, may school program na naman kami, at magduduet na naman kami ni DJ. Exciting nga yun dahil invited rin ang mga ibang schools at mga alumni.

TOGETHER (To Get Her)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon