Chapter 7 (A new beginning)

2.8K 86 29
  • Dedicated kay Earthquake victims in Central Visayas
                                    

Dedicated to the earthquake victims in Central Visayas

Please play the song on your right. (Changes in my Life by Jed Madela)

"Opo, Ma'am Sandy ngayon po ang birthday ni Sir," magalang sa sagot ni Manang Susan. Alam nito ang pagkawala ng alaala ng among babae.

"Naku po, anong dapat nating ihanda? At saka wala akong regalo pang nabibili. Hindi ko nga alam kung ano ang gustong regalo ni Alex," nag-aalalang sambit nito sa kasambahay.

"Ma'am, maige sigurong magpatulong kayo sa mama ni Alex," mungkahi nito.

"Manang Susan, ano po ang cell phone number ng mama?" 

"Sandali lang po." May kinuha itong cellphone sa drawer at saka ibinigay kay Sandy.

"Nandiyan po lahat ang mga contact numbers na kailangan ninyo. Lahat po ng kasambahay dito sa masyon ay binigyan ni SIr ng smart phone para lang sa trabaho. Nakalagay po lahat ng importanteng contact numbers na may kaugnayan po sa work."

"Thank you, Manang. Tatawagan ko muna si mama bago magising si Alex at ang mga bata."

"Mama, si Sandy po ito."

"Sandy, napatawag ka. May problema ba hija?" 

"Wala po naman." Mabilis na sagot ni Sandy. "Nabanggit lang po kasi sa akin ni Manang Susan na birthday po ni Alex ngayon."

"Oo hija. May plano ka na ba?"

"Wala pa nga po, Ma. Ano po ang dapat kung gawin? Ano po ang ihahanda? SIno po ang dapat kung imbitahin? Ma, kailangan ko po kayo." Napakagat sa babang labi si Sandy, halatang problemado.

"Hija, don't worry. Mas mainam siguro na pamilya na lang muna ang magsalo-salo sa birthday ni Alex. Kararating lang ninyo kahapon at siguradong hindi ka pa handa makita lahat ang dati ninyong mga kaibigan."

"Baka po gusto ni Alex kasama ang mga friends niya? At saka wala pa po akong regalo? Hindi ko po alam ang gusto niya."

"Sandy, ngayon ko lang uli nakitang sumaya ang anak ko. Ang pagdating mo uli sa buhay namin ay malaking regalo na para sa anak ko. At ang gwapo naming apo na si Xander, aba kahit na ilang taon kang hindi magregalo kay Alex ay okay na," nakangiting sabi ng donya.

"Mama, salamat po sa tulong ninyo. Magpapahanda po ako ng mga favorite dishes ni Alex for dinner. Hihintayin po namin kayo mamaya," sabi ni Sandy.

"Dadating kami ng papa mo later."

Pagkatapos bigyan ng instructions ni Sandy ang mayordoma tungkol sa mga putaheng ihahanda para sa hapunan ay pumanik na ito para puntahan ang mga anak.

Nabungaran nito ang yaya ni Marion na nag-aayos ng gamit ng mga bata sa drawer.

"Yaya, nasaan ang mga anak ko?" tanong ni Sandy.

"Ma'am, nasa kuwarto po ninyo ni Sir. Tumakbo na po doon iyong dalawa pagkagising."

"Ganoon ba, kanina pa ba silang gising?"

"Kagigising lang po."

"Daddy, wake up please!" Niyugyog ni Marion ang matipunong braso ng ama habang nakatingin lang sa tabi nito ang kapatid na lalake.

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon