Chapter 6

4.2K 101 43
  • Dedicated kay Xian Lim
                                    

Dedicated to Xian Lim. Happy Birthday!

Please play the music on your right. "Kailangan Kita" by Ogie A.

Inabot ni Alex kay Sam ang hawak na papel na naglalaman ng resulta ng DNA.. Nanginginig na tinaggap ito ng babae.

"Oh my God, totoo ba ito?" naluluhang tanong ni Sam pagkatapos basahin ang resulta.

"Oo Sandy, ikaw ang nawawala kong asawa," halos gumaralgal ang boses ni Alex sa tindi ng emosyong nararamdaman.

Nanghihinang napaupo sa sofa si Sam, halos takasan ito ng kulay sa nalaman. Hawak nito ng mahigpit ang papel na nagbunyag ng kasinungalingang pinaniwalaan niya ng dalawang taon, ang magpapabago sa buhay nila ni Xander.

Halos hindi niya namalayan ang pag-upo ni Alex sa tabi niya, ang pagyakap nito ng mahigpit sa kanya. Mabuti na lang at naglalaro sa kabilang silid ang dalawang bata at hindi nito nakita ang nanginginig niyang katawan.

"I love you so much, Sandy. Pinapangako ko na gagawin ko ang lahat para maipabalik ang alaala mo. Magtutulungan tayo na muling mabuo ang masaya nating pamilya."

At mananagot ang lahat ng taong nagpahiwalay sa atin. Pangako ni Alex sa sarili.

"Alex, natatakot ako. Paano kung hindi na bumalik ang memorya ko? Ni hindi ko man lang maalala ang birthday ni Marion. Anong klaseng ina ako? Oh my God, kawawa naman ang anak ko, dalawang taon kong napabayaan," sabi ni Sandy saka napahagulgol  ng malakas.

"Honey, wala kang kasalanan sa nangyari. Please don't cry, hon. Ayaw na ayaw kong nakikitang nahihirapan ka," bulong ni Alex habang banayad na hinahagod ang likod ng asawa.

"Alex, I'm so sorry. Hindi agad ako naniwala sa iyo. Hindi ko alam kung bakit nagawa sa akin ito ni Ate Amelia."

"Sandy, please don't beat yourself up over this honey, wala kang kasalanan."

"Daddy? Why is mommy crying?" Nagulat silang pareho ng biglang sumulpot sa sala ang dalawang paslit. Nasa mukha ng mga ito ang pagtataka.

Mabilis na tumayo si Sandy para yakapin ng mahigpit si Marion. 

"Baby, I'm so sorry. Mommy is here now. Mommy loves you so much!" Umiiyak na sabi ni Sandy.

"Mommy?" nagtatakang tanong ni Marion.

"I'm so sorry. I love you very much, Marion!  You and your brother, Xander are my life."

"How about their daddy?" nakangiting tanong ni Alex.

Saglit na sumulyap si Sandy dito pagkaraan ay muling ibinaling sa mga bata ang atensyon.

"Ouch, that hurts. Wala man lang comment. Aba kung hindi dahil sa akin ay wala kaya ang dalawa nating anak," pabulong na sabi ni Alex.

"Anong binubulong bulong mo, Alex?"

"Wala hon. Masaya lang ako dahil mahal mo rin ako," nakasimangot nitong turan.

"Mommy, are you going to live with us in Manila?" tanong ni Marion.

"Ha?" Napatingin bigla si Sandy kay Alex, naghahanap ng tulong kung paano sasagutin ang anak na panganay.

"Of course, mommy and Xander are going home with us, Sweetheart."

"Yipee!!!" nagtatalon na hiyaw ni Marion. Bumaling ito sa kapatid. "Xander, you heard that?"

"Mommy, di ko intindi Ate," sumbong ni Xander sa ina.

"Xander, titira na tayong lahat sa Manila kaya masaya ang ate mo," salo ni Alex.

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon