Chapter 5

3.3K 101 55
  • Dedicated kay Valerie Anne Robledo
                                    

Hindi pa nakakababa ng sasakyan si Alex ay sumalubong na agad si Ava dito.

"Alex, saan ka ba nagpunta? Hindi ka sumasagot sa cell phone mo?" Nakasimangot nitong reklamo.

"Ava, kung makausisa ka naman para kang asawa," saway ni Lilian na nakatayo sa harapan ng pintuan.

"Daddyyy!" masayang sigaw ni Marion. Pilit itong kumawala sa pagkakahawak ng yaya para tumakbo sa ama.

"Marion, baka madapa ka!  Batang ito talaga!" Napailing na lang ang yaya nito.

Mabilis na kinarga ni Alex ang anak at saka pinugpog ito ng halik sa mukha.

"I miss you so much, baby!" sabi ni Alex.

"Miss you too, daddy. Where is mommy?"

"Alex, hindi mo sinagot ang tanong ko," sabad ni Ava nang biglang may naalala. "Oh my, iyong kamukha pa rin ni Sandy ang pinagkakaabalahan mo hanggang ngayon?"

"Ava, please not now," tahimik na sagot ni Alex.

"Hi Alex, kumusta ang biyahe?" nakangiting tanong ni Lillian.

"It's okay," maiksing sagot ng lalake.

"Sige, aalis na kami ni Ava para makapag-bonding kayong mag-ama. Mukhang nasabik si Marion sa iyo," malumanay na wika ni Lillian saka bumaling sa kaibigan. "Ava, let's go. Sa sunod na nating istorbohin ang mag-ama."

"Mauna ka na kaya, Lillian. Pahahatid na lang ako kay Alex mamaya."

"Ava, tara na. Sa sunod ka na bumalik," seryosong sabi ni Lillian.

"Ava, medyo pagod na rin ako. Next time na lang tayo mag-usap," sabi ni Alex.

"Ang KJ naman ninyo," nakairap na naglakad ito papunta sa nakaparadang nitong kotse. "O Lillian, akala ko ba aalis na tayo bakit nakatunganga ka pa diyan."

"I'm coming. Alex, may dala pala akong chocolate cake para sa inyo ni Marion. Ako mismo ang nag-baked non."

"Thanks, Lillian." Nakangiting sabi ni Alex sa dalaga. Nahihiyang ngumiti ito.

"And they lived happily ever after. The end. Okay, sweetheart time for you to sleep na," sabi ni Alex sa anak pagkatapos nitong basahin ang paborito nitong bedtime story.

"Daddy, are we going to live happily ever after also?" seryoso nitong tanong.

"Of course, baby. Why are you asking?"

"Kasi mommy is not here yet," malungkot nitong sagot.

"Marion, maraming pinagdadaanan ang mommy mo ngayon. She can't remember anything about her past."

"Daddy, will she ever remember us?"

"Give her time, baby."

"When can I see her?"

"Sweetheart, listen carefully. I have something important to tell you. You have a baby brother. His name is Xander." Taimtim na pinagdasal ni Alex na sana ay matanggap nito ang siniwalat niya sa anak.

"Xander? Is he cute like me?" inosente nitong tanong sa ama.

"He so cute and adorable like you, Sweetheart," nakangiting sagot ni Alex.

"I want to see him na, daddy!"

"You will. We are going to Palawan in a few days so you can see your mommy and Xander," paghahayag ni Alex.

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon