Eighteen

145K 2.5K 318
                                    

Puro hiyawan ang naririnig ko sa paligid. Narito kami sa gymnasium ng University at nanonood ng Mr. and Ms. Engineering. Sa bandang unahan kami pumwesto sa kagustuhan na rin ni Josh. Bale isinama ko rito sina Andi, Claire at si Gen(na mukhang napilitan lang). Niyaya ko rin si Xander kanina pero ang sabi niya marami siyang gagawin.

Nagsisimula pa lang ang pageant. Unang lumabas ang mga babae. Nakasuot sila ng bikini at in fairness, magaganda naman ang katawan nila. 'Wag mo na nga lang tignan 'yung mukha... err, ang mean ko. Kahit sina Andi at Claire nagbubulungan sa comments nila sa mga kasali. Though technically, hindi 'yun bulungan dahil nagsisigawan sila sa ingay ng paligid.

Pagka-alis ng mga babae sa stage ay nagsilabasan na ang mga lalaki. Pito silang lahat at nasa pang-lima si Josh. Nakasuot siya ng red trunks at ngiting-ngiti sa mga audience. So, napilitan pa pala siyang sumali ng lagay na 'yan ha?

"Ayan na si Josh!" tili ni Andi. "Go, Papa Josh!!" sigaw niya pa habang kumakaway-kaway sa stage. Napatingin naman sa amin si Josh at ngumiti. Nag-flying kiss pa ang letche habang nakatingin sa akin kaya napunta sa amin 'yung atensyon ng iba. Napatungo na lang ako. Pesteng lalaki 'to, sinamaan tuloy ako ng tingin ng ibang babae na mukhang may gusto sa kanya.

Mabilis lang na lumipas ang pageant, nag-long gown 'yung mga babae at naka americana naman 'yung mga lalaki. Maya-maya pa, talent portion na. Ayan, hindi na ako maiinip. Hindi kasi ako nag-eenjoy na manood ng mga palakad-lakad sa stage at paikot-ikot na mga mukhang ewan e. Mas gusto kong nanonood ng talent.

Salitan ang babae't lalaki. Nauna ang contestant number one ng mga babae tapos contestant number one naman ng mga lalaki. Ganun ang naging sequence hanggang sa huli. May mga sumayaw, puro may back-up pa. May nag-acting ng Sisa at merong hindi naman Sisa ang ginawa pero mukha pa ring ganun kasi ang OA ng pagkaka-arte, muntanga lang. At may ilang kumanta. Magaganda 'yung boses nang ilan pero may dalawang masakit sa bangs. Sana tumula na lang sila peste.

Malakas ang palakpakan naming apat nang si Josh na ang lumabas sa stage. Nakasuot siya ng simpleng jeans at t-shirt 'di tulad ng ibang contestants na todo shining shimmering pa ang mga suot. May bitbit siyang gitara at naupo sa gitna ng stage.

Inayos niya muna ang mic sa harap niya saka siya tumipa. Pero bago siya kumanta, nagsalita muna siya.

"Para 'to sa babaeng pinaglalaanan ko ng puso ko." Nagtilian ang mga babae sa paligid. Todo kurot naman si Andi sa tagiliran ko at hindi ko napigilang mapangiti. Ewan ko ba, nakakakilig lang na alam mong ikaw ang tinutukoy, alam niyo 'yun?


What day is? And in what month?

This clock never seems so alive

I can't keep up and I can't back down

I've been losing so much time


Literal na napatulala ako sa kanya. Gosh! Ang ganda ng boses niya. Medyo husky 'yun at medyo hawig sa boses ng vocalist ng Lifehouse na kumanta ng You and Me. Habang kumakanta siya ay nakatitig lang siya sa akin.


'Cause it's you and me and all of the people

With nothing to do, nothing to lose

And it's you and me and all of the people

And I don't know why I can't keep my eyes off of you

What day is? And in what month?

This clock never seems so alive


Hindi ko namalayang natapos na pala ang kanta. Feeling ko pumasok ako sa isang warp kaya hindi ko na napansin ang paligid ko. Shit, nakaka-mesmerize ang boses niya. Nakatitig pa rin ako sa stage habang naririnig ko ang tilian ng mga tao sa paligid. Hindi na ako kumikilos hanggang sa makaalis siya ng stage.

"Pwedeng huminga 'te!" sigaw ni Andi sa tenga ko. Noon lang ako natauhan.

"Tse!"

"Ayieee!" Sabay pang asar nila Andi at Claire sa akin. Si Gen naman nasa sulok lang, ngingiti-ngiti.

"Tigilan niyo nga akong dalawa!" sabi ko sa kanila pero walang inis sa boses ko. Nangingiti ako ng sobra. Jeez, total package talaga yang si Josh! Biruin niyo, gwapo, matalino, mabait at talented! 'Di ko naman kailangan 'yun e. Saan pa ako 'di ba?

Nakangiti pa rin ako nang biglang pumasok sa isip ko si Xander. Naalis agad 'yung ngiti ko. Teka nga, ano namang kinalaman ni Xander dito? Bakit parang naguluhan ako nang maisip ko siya? E ni hindi nga nanliligaw ang isang 'yun. 'di ko nga alam kung nakakaramdam nga siya e. Naalala ko 'yung nangyari after ng defense namin. Noong niyakap niya ako ng mahigpit. Pakiramdam ko nun ay safe na safe ako habang nasa mga bisig niya. Well, hindi na man ako in trouble pero... basta! Iba 'yung feeling!

Mabilis na lumipas ang gabi. I-aanounce na ang mga nanalo. Nakuha ni Josh ang Best in swimwear at best in talent. Kelangan pa bang imemorize 'yun? Siya lang naman kasi ang pinakamagaling na talent sa mga kasali e.

Kumapit pa sa kamay ko si Andi nang tatawagin na kung sino ang nanalo sa mga lalaki. Tinawag na kasi ang second runner up at first runner up.

"And our Mr. Engineering is... Joshua Hernandez!" announce ng emcee. Hindi na ako nagtaka sa naging resulta. Wala naman na kasing ibang matino na nasa likod e. Siya na lang.

Nagtiliian agad lahat kasama na 'yung dalawang katabi ko. Si Gen naman pumapalakpak. Napangiti ako at pumalakpak na rin. Pinagtabi sila nang babaeng nanalo bilang Ms. Engineering. Nagka-kantyawan ang mga tao ng kiss sa dalawa. Ngumiti lang 'yung babae at si napapa-iling naman si Josh. Naramdaman kong hinila ni Andi 'yung buhok ko sa likod.

"Umapila ka girl! Jowaers mo yan o!" aniya.

"Gaga! Hindi ko yan Jowa!" Nagsisikuhan pa kami ni Andi anng marinig naming magsalita si Josh sa mic. Napatingin kami sa kanya at natahimik lahat ng nasa paligid.

"Sorry, hindi ko mapagbibigyan ang hiling niyo. Baka mawalan na ako ng pag-asa sa nililigawan ko pag ginawa ko yan e." Biglang tumili si Andi at hinihila-hila 'yung braso ko. Aalog alog tuloy ako habang pinagtitinginan kami ng mga tao. Pagkatingin ko kay Josh ay nakatingin din siya sa akin. "Si Mica," aniya sabay turo sa akin. "Siya ang tinitibok ng puso ko."

Seriously, medyo kinilig ako dun pero feeling ko nakakahiya. Nagka-ingay na ang paligid. Naramdaman ko na lang na itinutulak nila ako papuntang stage at hindi ako makapalag. Nang nasa hagdan na ako paakyat, hindi ako makakilos. Bakit ba ako nandito? Hindi ako dapat nandito!

Nakita ko si Josh na lumapit at inilahad ang kamay niya sa akin. Hindi ko na man 'yun matanggihan dahil baka mapahiya naman siya. Tutal nanalo naman siya e 'di pagbigyan na lang. Iniharap niya ako sa mga tao at bigla niya ulit kinanta ang chorus ng You and Me habang nakatitig sa akin. Napatungo na lang ako pero nangingiti.

Puro tilian lang ang naririnig ko hanggang sa mag-angat ako ng tingin. Natuon ang mga mata ko sa may entrance ng gym at doon, nakita ko si Xander. Nakatitig lang siya sa akin at nagtama 'yung mga mata namin. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang mga sinasabi ni Josh. Basta bigla akong nag-panic nang tumalikod si Xander at lumabas ng gym.

Parang may sariling utak ang mga paa ko at humakbang para sana sundan siya pero mahigpit na nakahawak sa kamay ko si Josh kaya hindi ako nakakilos. Napatingin ako sa kanya at noon ko na-realize ko kung ano ang sinabi niya.

"Will you be my girlfriend?"

My Poker-Faced GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon