Ch.23: Request

136 2 2
                                    

[Kate's POV]

Pumasok ako sa may room ng FusionBeats para tawagin sila dahil matatapos na ang second opening song ni Mike.

"Guys, labas na. Matatapos na 'yung second song ni Mike."

The guys stopped whatever they are doing. And lumabas na sila ng room kasama ko. As usual, hyper at excited na naman sila.

Well, maliban sa isa--si Gian.

Kinalabit niya ako and he gestured me to follow him sa isang sulok ng backstage malayo sa iba.

I followed suit.

"Bakit?"

He looked around us.

"Nakita mo ba si Tammy?" He whispered.

"Tammy? Ah 'yung kumanta nung isang linggo? 'Yung kasama mo? Nasa audience siya malapit sa bar counter sa likod. Bakit?"

I wonder kung bakit parang nag-aalala siya kay Tammy.

"Ah, wala naman. It's just...uhhh..nevermind. Salamat ah."

Then, he walked away.

Wow! Bipolar lang ang dating! Hay. No wonder, he's the cold leader ng banda.

Pero napansin ko lang ah. Kanina pa ako tinitingnan ni Tammy mula sa malayo. Bakit? May dumi ba ako sa mukha? O pangit 'yung damit ko ngayon?

Suddenly, na-conscious ako. Bakit kaya? May problema kaya siya sa akin?

[Gian's POV]

We approched the stage at nagsimula na magsigawan ang lahat. Ugh, easy lang guys ang masakit na ang tenga ko eh

>____<

So, nagsimula na magsalita si Led para i-intro ang una naming kanta ngayong gabi.

At nagsimula na kaming kumanta.

Pagkatapos ng unang set namin, umakyat muna si Kate para magkaroon ng interview portion with HeartBeats. Kasama niya si Led at Ren tutal makulit at maingay nga ang dalawang 'yun. Bagay sila sa interview portion na 'yan.

Kaya umupo na lang ako sa may gilid ng stage habang nag-aayos ng drums si Mart.

"Gian, nasaan na yung babaeng kasama mo kanina? 'Yung chick mo?" tanong bigla ni Mart sa akin.

"Sira ulo, 'di ko chick 'yun," sagot ko.

Natawa lang siya. Sira talaga ang isang ito.

"Oh, nahanap ko na pala siya. Ayun siya sa may likod sa malapit sa bar," sabay nguso ni Mart sa kanya.

Sinundan ko ng tingin ang sinabi ni Mart. At nakita ko si Tanya na nakatayo sa may likod.

"Wow, pare. Lagot ka, pinapanuod niya tayo. Galingan mo daw," banat na naman ni Mart.

"Adik ka. Wala lang magawa sa buhay 'yan kaya nandito 'yan."

"Nako, lagot ka sa mga fans niyo ni Kate. Itatakwil ka na ng mga Kaian fans," pang-aasar ni Mart.

Hindi ko na lang siya pinansin. Magsasawa rin ang sirang ito sa pang-aasar sa akin.

Tumingin ako ulit sa may pwesto ni Tanya. Hindi ko alam pero parang iba ang mga tingin niya at alam kong hindi para sa amin 'yun. Sinundan ko kung saan ba nakatingin si Tanya at nakita kong nakatingin siya kay....

Kate?!

At bakit masama ang tingin niya sa kanya? Galit ba siya kay Kate?

Pero bakit?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secret Mission: Make You Mine (Love Matters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon