Chapter 45:1

9.2K 94 19
                                    

“Ate Paola?”

Teka? Siya ba ang kumuha kay Harper? Impossible.

“Surprised my dear?” Tumawa siya.

“Ikaw ang kumuha kay Harper?”

“Tanga ka ba? Nakita mo na ako diba?” Lumapit siya saakin.

Pero bakit? Bakit niya kinuha si Harper? Puta! BAKIT?!

“Paola balik mo na siya saakin” Humakbang ako patalikod. Palapit kasi siya ng palapit saakin “Please, Ibalik mo na siya saakin, gagawin ko ang gagawin mo lalayo kami, akin na yung ticket. Aalis kami agad”

Kung pwede lang ako lumuhod. Luluhod talaga ako para makuha ang anak ko.

Hindi ko aakalain na magagawa niya ‘to. Ano bang nagawa ko kay Ate Paola? Meron ba?

Pinagmasdan ko siya. Sobrang pumayat siya. Malaki yung eyebags niya. Maputla. Walang buhay. Para siyang nawawala.

Baliw. Baliw na siya. Alam niyo kung bakit? Umiiyak siya habang nakangiti. Tapos sisimangot.

“Alam mo” Ngumiti siya ng pagkalawak “Mas maganda kung maglalaro tayo”

Sweet Possession: Summer Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon