Chapter 44

10K 120 51
                                    

Pagkababa ko ng telepono agad na tumayo si Louie at hinawakan ako sa mgakabilang balikat.

“Sino kausap mo, bakit ka umiiyak na naman?”

“Hindi ko kilala, nasa kanya ang anak natin” Yumakap ako sakanya, ayan na naman nagsisimula na naman akong umiyak “Louie, gusto nyang maghiwalay tayo at lumayo ako sakanya para lang ibalik ang anak natin”

Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko, hinarap niya “Gagawin mo ba?”

Umiling ako.

Hindi ako tanga, para hiwalayan siya. Bakit kasi madami pang extra sa buhay namin, bakit kailangan pang may sisira. Hindi ba pwedeng maging masaya na lang sila para saamin?

“Ganto” pinaupo niya ako sa kama at siya naman ay lumuhod at hinawakan ang kamay ko “Anong sinabi niya?”

Hingpitan ko yung pagkahawak ng kamay niya “Babae siya eh, ang sabi niya gusto niya mag pa annulment tayo, at lumayo ako sayo. Saktan daw kita”

Nanahimik kami ng ilang minutes at nagsalita siya “Sige gagawin natin yun, para lang makuha si Harper”

Napatanga ako sa sinabi niya. A-ano daw? “L-louie” yun na lang ang nasabi ko.

“Of course hindi natin gagawin yun love” Umupo siya sa tabi ko at tinapped niya yung hita niya. It means kumandong ako.

Kumandong ako at niyakap niya ako “This is the plan, mag aact tayo na naghiwalay tayo, ipapakita ko na depress ako sa nangyari, galit ka saakin or whatsoever ibabalita ko sakanila nan a nag fifile ka ng annulment natin, pansamantala dun muna ako sa bahay namin”

Sweet Possession: Summer Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon