Chapter 30

14.6K 166 73
                                    

“Alam ko, alam kong hinalikan mo siya”

Pagkasabi niya nun, kinabahan ako, para akong maiiyak na ewan. Hindi ko alam. Natatakot ako? Natatakot ako na magalit siya saakin. Kahit halik lang yun. No more no less. Feeling ko nag taksil ako.

“Kalimutan na lang natin ‘yun, lasing ka nun that time, alam ko naman na parehas kaming gwapo, pero hindi kami magkamukha” Tumawa siya ng bahagya.

Tama lang naman kasi yung ginawa ko, eh kesa naman na sa iba niya malaman na hinalikan ko si Lou edi gulo lang ang abot nun. Nagpapasalamat din ako na naiintindihan ni Louie yun. Masasabi ko nan gang ang swerte ko sa boyfriend ko.

“Im sorry” Sabi ko sakanya.

“Its okay, naiintindihan ko kahit di ko naiintindihan bandang lasing ka at akala mo ako yun” ngumiti siya saakin at hinaplos yung pisngi ko.

“Eh pano mo pala nalaman yun?”

“Andun ako that time, hinihintay kita kasi 1 am na wala ka pa, so nagsimula na akong kabahan, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumatawag ako pero di mo sinasagot. Paalis na sana ako nun para hanapin ka pero namukhaan ko yung kotse ni Kris and ayun na”

“Bakit di man lang sinuntok si Kris?” Medyo tumaas yung tono ng boses ko. Kasi nakakainis.

“Bakit ko naman siya susuntukin eh hindi naman siya yung humalik”

Oo nga naman, may point siya. Bakit ba lately para ang tanga ko magsalita or naghahang ako? Epekto ba to ng walang sex? Hahaha!

“Eh bakit di ka man lang nagalit saakin?”

“Gusto mo awayin kita?” Tumaas na din ang tono ng boses niya.

Sweet Possession: Summer Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon