[ cöncëäl ]

29 0 0
                                    

Chapter 3 - Conceal

< Tristan Jade >

Kanina pa ako walang ginagawa dito sa bahay, nakaupo lang ako sa sofa habang ngawa ng ngawa yung TV. Masarap sana magbasketball ngayon dahil hindi naman ganun maaraw kaya nakakaganang maglaro. Pero dahil hindi pa ako nakakalakad ng maayos dahil sa semento sa aking paa, ay wala akong magagawa kundi manatiling nakaupo lang.

"Ser, dadalhin ko na po yung inyong pananghalian diyan." Sabi ng isa sa aming katulong. Marami sila, siguro mga nasa lima. At mukhang sila lang ata ang makakasama ko sa buong araw.

Kakagising ko lang pero pakiramdam ko gusto ko nanamang humilata sa kama at matulog ulit. Nakakaantok ang paligid.

Nilapag na ni manang ang isang tray sa center table.

Kinuha ko ang kubyertos, masyadong mababa ang lamesang ito para kainan ko. Tiningnan ko si manang na nakabantay sa may gilid ko.

"Gusto mo ser tulungan na po kitang pumunta sa dining table para po hindi po kayo mahirapan." Tumango ako at nagpilit tumayo at saka niya ako inalalayan.

Nakarating kami ng maayos sa dining table. Isinunod narin niya yung tray ng pagkain ko na naiwan sa center table.

Nakakain ako ng maayos. Masarap kasi yung pagkain eh.

"Sino pong nagluto nung pagkain?" magalang na tanong ko dahil medyo may edad narin kasi siya.

"Si Madeline po ser." Sagot niya.

Tumango-tango ako.

"Pakisabi po masarap. Wag niyo na po akong tawaging ser, Tristan nalang po." Sabi ko sakanya at ngumiti.

"Eh ayaw po kasi ng papa ninyo na hindi kayo tinatawag ng ser." Sabi ni manang Edith.

Ano naman kaya ang problema dun?

"Ako na po ang bahala sakanya." Sabi ko. Malapad ang ngiti sa akin ni manang.

"Alam mo hijo, ang laki ng pinagbago mo. Dati kasi masungit ka, para kang ang papa mo." Sabi niya. "Ganun po ba? Buti nalang pala naaksidente ako." Natatawa kong sabi.

"Naku sobra kaming nag-alala sayo hijo, pati ang papa mo. Dinadalaw ka niya lagi tuwing pagkakatapos niya sa trabaho at alam mo ba, inasikaso ng papa mo ang school mo dahil sa sobrang tagal mong hindi nakapasok sa school ay maaari kang magrepeat uli ng 3rd year. Kaya sa pagkakaalam ko ay may mga pupuntahan kang guro para makahabol." Kwento saakin ni manang Edith.

"Talaga po? Bakit alam niyo po?"

Napangiti siya at tumingin saakin. "Masungit man ang papa mo hijo, pero may tiwala siya saaming mga kasambahay niyo. Kaya hindi siya nagdadalwang-isip na magkwento saamin. At bilang obligasyon namin, dapat maging tapat kami sa mga amo namin."

May ganun palang tao ano? They have their own bad and good side. And I think everyone has it. Sa tingin ko'y pati ako rin ay mayroon nun, and I just need to discover myself all over again.

Tinulungan ulit ako ni manang na bumalik sa pwesto ko kanina sa sala. At naabutan kong may game ng basketball, game 3 ng Cavs at Warriors. And I still remember all of the players' names.

Siguro ay hindi nawala lahat ng ala-ala ko. And this is a perfect way to start.

-

After the game, tinamaan na naman ako ng boredom, at wala akong makitang magandang paglipasan ng oras sa kahit anong channel dito sa TV.

Nabuhayan ako ng loob ng pumasok si kuya Niño, yung driver namin.

"Kuya Niño, may pupuntahan ka?" tanong ko sakanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heart RemembersWhere stories live. Discover now