[ nöstälgïä ]

56 4 4
                                    

Chapter 1 – Nostalgia

< Tristan Jade >

"Babe gumising ka na please... Pag gumising ka ililibre kita sa gotohan ni Aling Pasing, diba paborito mo yun??"

Naramdaman kong may kumakapit sa kamay ko.

Gustong-gusto ko ng gumising pero hindi ko talaga maigalaw yung katawan ko. Nilalamig ako at hindi ko alam kung paano sasabihin sa taong kumakausap sakin ngayon na itaas manlang ang kumot ko.

Ano bang nangyari sakin?

Pagkatapos niyang himas-himasin yung kamay ko ay binitawan na niya ito at naramdaman kong itinaas niya yung kumot ko hanggang sa may leeg ko.

Salamat...

Dug. Dug. Dug.
-

"Babe... hindi napili yung journal ko this year. Sabi ni ma'am may kulang daw. Hindi kasi ako makapagconcentrate dahil walang nagbabantay sakin eh. Miss ko na yung pagbabantay mo sakin hanggang sa matapos ako sa pagsusulat. Kaya gumising ka na, para sabay na tayong gagawa ng journal nating dalawa."

I can sense sadness through her voice. Sana kahit hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya ay malampasan niya yung kalungkutang nararanasan niya ngayon.

Araw-araw kong naririnig ang maganda niyang boses. Lagi niya akong kinakausap, yung mga ginawa niya buong araw ay ikinikwento niya sa akin.

Lahat ng mga sinasabi niya sa akin ay parang gusto kong personal na makita. Bakit kasi para akong naka-kulong sa isang napaka-liit na hawla at hindi ako makagalaw?

Gusto ko na siyang makita.

Dug. Dug. Dug.
-

"Babe pinapakamusta ka nung mga kaklase mo, pag may time daw sila ay dadalaw sila sayo. Nga pala babe, may dala akong goto galing sa gotohan ni Aling Pasing. Gusto mo?? Ngeekk, gising ka muna. Pag hindi ka gumising ako ang uubos nito sige ka. "

It's her beautiful voice again.

Ubusin mo na, hindi pa naman ako gutom e.

Gusto kong tumawa, dahil naririnig ko yung mga pag-angal niya dahil napapaso yung dila niya.

Dug. Dug. Dug.
-

"Babe nanalo ako bilang Miss Balenian. Sayang, ikaw sana ang photographer ko sigurado ako ang naging miss photogenic." Then I heard her chuckle.

I badly wanted to be your photographer though. And I badly wanted to open my eyes and see the person behind those beautiful voice.

Sana kahit hindi ko masabi sayo ay maramdaman mong proud ako sayo.

Dug. Dug. Dug.
-

"HAPPY BIRTHDAY TO YOUUU~~!! HAPPY BIRTHDAY TO YOUUU~~! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAYYY... Happy birthday to you..."

Dug. Dug. Dug.

Naramdaman 'kong may dumampi saaking noo.

Kasabay noon ang pagpatak na sa pagkakaalam ko ay luha niya.

Wag kang umiyak. Ayokong nasasaktan ka.

Heart RemembersWhere stories live. Discover now