[ ämnësïä ]

33 2 0
                                    

Chapter 2 - Amnesia

< Tristan Jade >

Nandito parin ako sa ospital. Tinanggal na yung mga apparatus na nakakabit saakin. I won't need them anymore tho, sa dami ba naman ng pinapainom saking gamot ewan ko nalang kapag hindi pa ko maging okay.

"Sabi ng doktor pwede ka na daw lumabas, nacheck na naman lahat ng kailangan icheck sayo e. Okay na ba ang pakiramdam mo? Sigurado ka wala ka talagang maalala, m-maliban sakin?" Tanong niya sakin.

Nilahad ko ang kamay ko para hawakan ang kamay niya.

"Oo okay na ko. Ikaw lang ang kilala ko dahil lagi kitang naririnig na kinakausap ako, kung hindi mo kinikwento lahat ng nangyari sayo malamang hindi rin kita kilala ngayon." Nakatingin lamang siya sa nga kamay naming magkahawak.

Hinigpitan niya ang pagkakakapit dito at muling tumingin saakin.

She smiled at me. I can see tears forming in her eyes.

"Matagal 'kong hiniling na mangyari 'to." Sabi niya habang matamis na nakangiti saakin.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman? Nung mga panahong wala akong malay ay lagi mo namang hawak ang kamay ko." Sabi ko sakanya.

Naaalala ko pa lahat ng mga iyon.

"Uh... Ano ang ibig kong sabihin ay matagal kong hiniling na mahawakang muli ang mga kamay mo ngayong gising ka na." Sabi niya habang inaabot yung isang monobloc chair para makaupo sa aking tabi.

Ng bigla 'kong maalala yung mga sinabi niya saakin bago ako magising.

"Sabi mo, aalis ka?" Tanong ko sakanya.

"Ha? Ngayon? Hindi ah, sasamahan kita paglabas mo dito sa ospital. Kasi baka pati daan pauwi sainyo hindi mo alam."

Hindi eh.

"Hindi sabi mo pupunta na kayong US tapos dun na kayo " pagputol niya sa mga sinasabi ko.

"Hay nako, kainin mo nalang tong binili ko sa labas. Wag ka ng masyadong mag-isip at baka mastress lang yang brain cells mo lalo kang hindi makaalala." Sabi niya sakin at may kinuhang disposable bowl sa isang paper bag.

"Goto?" Tanong ko na may halong excitement. Yun yung madalas niyang ikwento sakin nun, goto ni Aling Pasing.

"Ha? Goto bang. Noodles to. Binili ko sa restau sa baba." Sabi niya at binuksan yung takip.

Noodles pala.

"Sabi mo sakin pagkagising ko ililibre mo ko ng goto. " I pouted.

"Ahh. Oo nga pala noh? Pagkalabas mo. " tumatango niyang sabi habang iniihipan yung noodles para mapalamig.

"Okay..." Pumikit ako saglit.

Nagmulat ako dahil may naisip akong itanong sakanya.

"Ilang araw akong coma?" Tanong ko sakanya. I'm still curious about it, at hindi ko rin alam kung anong dahilan.

"Araw? You mean months." Seriously, months?

"Ilan?" Ibig sabihin ang tagal ko dito?

"6... 7? Parang seven. Basta ang tagal mo na dito. Kaya dapat mexcite kang lumabas. Gala mong ilang buwan ka ng hindi naliligo." Nagtapik pa siya ng ilong para asarin ako.

Heart RemembersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon