Chapter 27

687 40 8
                                    

"Mommy..." -Alex.

Nataranta naman si Dawn kaya agad nyang nilapitan ang anak nya.

"A-ano yun anak? May masakit ba sayo? Ahh... Saglit, tatawag ako ng nurse."

Nakatingin lang sa kanya si Alex, palabas na sana sya ng pinto nang marinig nyang nagsalita si Alex.

"Mommy, dito ka lang po. Please."

Napangiti naman si Dawn. Baka naman nananaginip lang sya. Kaya kinurot nya yung sarili nya ng patago. Hays, Dawn. Maniwala ka, totoo lahat ng nangyayari, gurl!

Kinuha nya yung isang monoblock at umupo sa side ng bed ni Alex. She gave her the sweetest smile.

"Kamusta ang pakiramdam mo anak?"

"O-okay lang po Mommy. Medyo kumikirot ng kaunti lang po yung ulo ko."

"Magpahinga ka muna. Katatapos lang kasi nung surgery mo."

Sinuklay nya yung buhok ni Alex gamit ang kamay nya. Naluluha na silang pareho, pero pinipigilan lang nila.

"Anak, pwedeng favor? *smiles*"

"Ano po yun?"

"P-pwedeng, tawagin mo ulit akong mommy?"

Medyo nahiya naman si Alex. Kaya yumuko sya. She started to play with her fingers.

"M-mommy..."

"Namiss kita anak. P-pwede ba kitang yakapin?"

Tumango lang sya na parang bata. Lumapit si Dawn sa kanya at niyakap ito. Pinipigilan nya ang sarili nyang yakapin ito ng mahigpit dahil baka masaktan si Alex. Naramdaman nyang humihikbi ito kaya inalis nya ang pagkakayakap nila.

"Bakit ka umiiyak anak? May masakit ba? Sorry ha, napahigpit ko yata."

Pinunasan nya yung mga luha. Hinawakan naman ni Alex yung kamay nya.

"Mommy. I'm so sorry..."

Di na napigilan ni Alex kaya umiyak na sya.

"Shhh... Anak, you don't need to be sorry."

"H-hindi. *sobs* Alam ko naman po, ako may kasalanan ng lahat. Sorry po kasi alam kong lagi ko na lang kayong pinag aalala. Sigurado akong hindi rin po kayo nakakatulog ng maayos kasi hindi nyo alam kung nasaan ako. Tsaka yung paglalayas ko, alam ko pong hindi maganda. Alam ko rin pong wala akong magandang naidulot, puro sakit ng ulo ang binibigay ko. S-sorry din po doon sa mga sinabi kong masama tungkol sa inyo, sa pagwawalk out ko nung proposal ni dad sa inyo. Sorry because I know that I have been a very bad daughter."

"Alex, anak. Always remember, kahit na ano pang pagpapasaway mo, kahit gaano pa ka grabeng sakit ng ulo ang ibigay mo sa amin ng papa mo, mahal na mahal ka namin. Hindi kita kayang tiisin kasi ganun kita kamahal. Kahit kailan, hindi ka naging masamang anak. Tandaan mo yan, ha?"

Tears started rolling down on both of their faces.

"N-nahihiya na po a-ako sa inyo. Kasi palagi ko na lang kayong tinataboy pero, di kayo nagsasawa na gawin lahat ng bagay para lang magkabati tayo ulit."

"Kasi, oh eto. Huhugot na 'ko. Mahilig ka sa ganun diba?"

They both laughed.

"Kasi anak, kapag mahal mo ang is ang tao, at alam mong mahal na mahal ka rin nya, hindi ka susuko."

"That's why hindi nyo sinukuan ni dad ang isa't isa. Di po ba?"

She smiled then nodded. Bumukas yung pinto, si Richard, may dala dalang ice cream.

"Nag-dala lang ako ng ice cream, baka gusto nyo."

Nilapag nya yun sa may table tapos lumapit kay Alex.

"Kamusta na ang princess ko?"

"Okay lang po daddy."

"Kailangan ko munang balikan doon sila Rave, walang kasama eh. Maya maya, babalik kami dito."

She nodded. He kissed her on her forehead.

Nagulat naman si Dawn nung hinalikan din sya ni Richard sa noo.

"Labas muna ako."

Tinignan nila ang isa't isa. Alam nilang hindi nila pwedeng ipakita kay Alex na nagaaway sila dahil baka magalit na naman ito sa kanila.

Paglabas ni Richard, nagsalita si Alex.

"Mommy?"

"Yes anak?"

Dawn smiled.

"Why did you have to prentend?"

"H-ha? Anong pretend?"

"Don't lie. I heard the two of you shouting earlier."

Napayuko naman si Dawn.

"Ako po ba yung dahilan kung bakit kayo nagaaway?"

"Hindi anak. That is between the two of us, okay? Hindi kayo dapat madamay."

"Pero naaapektuhan po ako. Ngayon, nagkaayos na po tayo, kayo naman ni daddy ang magkaaway. Mommy."

"Hayaan mo, aayusin namin ito ng daddy mo. Wag mo na kaming intindihin, okay? Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay magpagaling."

"Okay."

She sighed.

"Pag labas mo anak, umuwi na tayo ng bahay ha? Miss ka na nila Manang Emy doon."

She smiled.

"Opo."

---

Kadarating lang nila Richard, naghintay sila sa may labas ng kwarto dahil binibigyan pa nila ng oras ang mag-ina para makapag usap.

Maya-maya lumabas si Dawn. Sakto naman at dumating ang doctor ni Alex.

"Uhm. Mr. & Mrs. Gomez?"

"Yes doc?" -Dawn

(Uy mama, di pa kayo kasal ni papa. Makaclaim naman ng Mrs. Gomez. Asuss!)

"I need to talk to you privately."

Kaya pumunta sila sa office ni Dra. Torejos.

"It's about your daughter's condition. I think, mas maganda kung kayo ang unang makaalam."

"Ano po ba iyon?"

"Your daughter is 2 weeks pregnant.

Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon