Chapter 11

947 32 2
                                    

Isang buwan na ang nakalipas. At mas lalong naging cold ang pakikitungo nila Dawn at Richard sa isa't isa. Bihira na lang sila mag-usap. Sabay silang nagtataping pero hindi sabay na umuuwi. Laging nauuna si Dawn habang si Richard naman, dumederetso kila John (Estrada) o hindi naman kaya kila Joey. Ngayon ay kasama nya si Anjo.

Anjo: Goma, long time no see pare.

Richard: Kaya nga eh. Naging busy lang.

Anjo: Teka, kukuha lang ako ng beer ha. At madami kang dapat ikwento sakin.

Richard: *sigh* Sige.

Anjo: *inabot yung beer sabay upo* Oh. Kumusta na kayo ni Lucy?

Richard: Ha? Tapos na kami. Matagal na.

Anjo: Alam ko. Haha! Eh kamusta na si Juliana?

Richard: Kasama na nya si Lucy sa London.

Anjo: Ah. Pero hindi talaga yun yung dapat na tanong ko eh. Dapat, kamusta kayo ni Dawn? Kayo na ba Goms? *chuckled*

Richard: *sigh* Di ko nga alam Anj eh. *sabay inom*

Anjo: Pwede ba yun? Pero diba sa iisang bahay na lang kayo nakatira.

Richard: Oo. Diba nga may anak kami?

Anjo: Kaya nga. 16 na yun diba? Bakit di nyo pa sundan? Haha!

Richard: Ang hirap eh.

Anjo: Edi araw-arawin mo. Haha! Goma naman! *chuckled*

Richard: Sira! Ibigsabihin ko, malabo kasi yung samin ni Dawn eh.

Anjo: Bakit naman? Diba nga ayaw naman na din ni Dawn kay Anton?

Richard: Oo. Pero kasi nga naaksidente sya. Nagka-amnesia. Tapos nung bumalik naman ngayon, hindi kumpleto. Kaya ayan, ang daming nagbago.

Anjo: Mahal na naman nya si Anton?

Richard: Hindi. Kasi nung huli naming usap na maayos, gusto nya mgpakasal kami.

Anjo: *nagulat* Oh. Pumayag ka?

Richard: Hindi.

Anjo: Goma naman! Siraulo ka talaga noh?! Si Dawn na yun pare! Bakit ayaw mo pa!?

Richard: Hindi pare. Kasi gusto ko na kapag kinasal kami, bumalik muna yung ala-ala nya, lahat. Mahirap kasi sitwasyon namin eh.

Anjo: Bakit? Sa tingin mo ba kapag bumalik yung ala-ala nya, pagsisisihan nya yung pagpapakasal sayo?

Richard: Hindi naman sa ganun. Pare, gusto ko lang naman maayos muna lahat. Para mas madali na kapag kasal na kami.

Anjo: Sus! Ewan ko sayo. Tinanggihan mo pa kasi eh. Pero, sabagay.

Richard: Tsaka, nag-iba yung pakikitungo nya sa anak namin eh. Sinisisi nya si Alex kung bakit sila naaksidente tsaka nawala yung baby nya.

Anjo: Baby? Buntis si Dawn nun?

Richard: Oo. San ka bang planeta nanggaling at wala yatang dyaryo dun.

Anjo: Hindi ko nabalitaan yun eh. Sayang naman yung baby nyo.

Richard: Hindi nga ako ama nun eh. Si Anton.

Anjo: Ah. Buti na lang pala at naaksidente sila.

Richard: Huy! Gago ka talaga Anjo! Sira!

Anjo: Haha! Sorry na boss. Uwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Dawn.

Richard: Mamaya na. Inom pa tayo.

Naka 5 cans ng beer si Richard tapos ay nag paalam na sa kay Anjo. Kaya pa naman nitong magdrive. 2am na nang makadating sya sa bahay nila. Dire-diretso lang sya kasi nakapatay naman ang ilaw. Nagulat sya nang marinig nya si Dawn sa sala.

Dawn: Umaga na.

Richard: G-gising ka pa?

Dawn: Malamang. Lika, samahan mo 'ko. (Nagbuhos ng wine sa isang baso)

Lumapit naman si Richard. Tanging liwanag lang mula sa labas ang nagsisilbing ilaw nila. Tumabi sya kay Dawn sabay kuha nung baso.

Dawn: Di ko gusto yang ginagawa ng anak mo.

Richard: Bakit? Anong ginawa nya?

Dawn: Alas-10 na umuwi kasama yung boyfriend nya.

Richard: Hayaan mo. Kakausapin ko na lang sya bukas.

Dawn: Sige.

Unti-unti namang nilapit ni Dawn ang mukha nya kay Richard. Pinikit ni Richard ang mga mata nya, ganun din si Dawn. Nang magkadikit na ang mga ilong nila, minulat ni Dawn ang mga mata at saka inamoy si Richard.

Dawn: Amoy alak ka.

Napamulat naman si Richard. Akala nya ay hahalikan na sya ni Dawn.

Dawn: Saan ka galing?!

Richard: Uminom lang kami ni Anjo ng konti tapos kwentuhan.

Dawn: Walang babae?!

Richard: Syempre wala. Nagkasarapan lang ng kwentuhan kaya inumaga na ako.

Dawn: Okay. Sige, ligpitin mo na yang pinaginuman. Aakyat na ako at matutulog na.

Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon