Chapter 18

911 47 17
                                    


Dawn's P.O.V

"Alex..." 

Kadarating lang ni Alex. Akala ko mamaya pa sya uuwi. Pero okay na din yun kasi makakapagbonding kami.

" Wala po ako sa mood. Tsaka wag  na po kayong magpanggap, wala ng ibang tao."

Ganun ba talaga ka-grabe yung mga ginawa ko dati para ganun yung maging trato nya?

"A-anak..."

"Wow naman! Anak?! Okay lang po ba kayo?! Baka naman po may sakit kayo."

"Anak, please kailangan kitang makausap. May sasabihin lang ako sayo."

"Ts. Hindi po pwede. Madami akong school works na kailangan tapusin."

"Mas importante pa ba yan kaysa sa akin?"

"Pano po kung sabihin kong Oo?

"G-ganun ba. S-sige anak. B-baka di mo pa matapos yan, di mo mapasa."

Pinilit kong ngumiti. Tinitigan nya lang ako na parang nagtataka na naiirita. Di ko sya masisisi.

---

Pag-akyat ni Alex dumiretso sya sa kwarto ni Ayisha kasi wala naman talaga syang gagawin ayaw nya lang kausapin si Dawn. 

Ayisha: Ate! Kanina ka pa namin hinahantay ni mommy! *hugs*

Alex: Sus. Bakit nyo naman ako hinahantay?

Ayisha: Sabi kasi ni mommy pupunta daw tayo ng park tsaka magpipicnic tayo dun. *smiles* Diba ang saya nun ate?

Alex: H-ha? Sinabi yun ni mommy?

Ayisha: Yep! Sabi pa nga nya may surprise daw sya sayo eh.

Alex: Surprise??

Ayisha: Ooops! *covers her mouth*

Biglang bumukas yung pinto. Si Dawn, may dala dala syang sandwich para kay Ayisha.

Dawn: Oh, anak akala ko ba may gagawin ka? 

Alex: Dinaanan ko lang po si Ayisha.

Dawn: Ah, okay. Gusto mo bang sandwich? Dadalhan na lang kita sa kwarto mo. 

Alex: Wag na po. 

Tapos ay pumunta na si Alex sa kwarto nya tapos nagbasa na lang ng libro. Biglang bumukas yung pinto tapos nakita nya si Dawn na may dalang sandwich at juice. 

Dawn: *smiles* Anak dinalahan kita ng miryenda.

Alex: Diba sinabi ko na pong ayaw ko?! 

Dawn: Baka lang kasi magutom ka. Kaya nagdala ako.

Alex: Hindi nga po ako nagugutom. Pag sinabi na po kasing hindi, hindi na. Wag nyo na pong ipagpilitan pa.

Dawn: Pasensya na. Sige iiwanan ko na lang ito dito. Kung sakaling gusto mo ng makakain.

Alex: Sige lang po. Iwanan nyo.  Kagaya nung ginawa nyo dati kay daddy. *pabulong*

Dawn: Ano yun anak?

Alex: Wala ho. 

Dawn: Narinig ko yun. *smiles*

Alex: Narinig nyo naman na po pala eh. Tapos ipapaulit nyo pa po. Hindi pa po ba sapat yung isang beses?

Dawn: Minsan kasi hindi mo makukuha ang mga bagay kapag isang beses lang. Kailangan mo pang ulitin.

Alex: Pero kapag inuulit mo yung isang bagay, masasaktan ka lang kasi naaalala mo yung mga hindi magandang bagay. 

Dawn: Pero tandaan mo, nang dahil sa mga bagay na yun natuto ka. 

Alex: Kailangan pa ba talagang masaktan para matuto?! Kasi nakakapagod ng masaktan.

Dawn: *laughs* Hay nako anak. Hindi ko alam na humuhugot ka na ng ganyan katindi ha. *Smiles* 

Alex: Hindi naman po ako nagpapatawa. Seryoso ako. Bakit po kayo tumawa?

Dawn: Anak bakit ba ang seryoso mo? 

Lumapit si Dawn kay Alex na nakaupo sa kama. 

Alex: Pwede na po kayong umalis. 

Dawn: Anak, please. May sasabihin lang naman ako sayong importante. 

Alex: Busy po ako. Kaya po pwede na kayong umalis. 

Dawn: Anak bumal---

Hindi nya natuloy yung sasabihin nya kasi nga biglang bumukas yung pinto. Si Richard tapos bitbit nya si Ayisha. 

Richard: Ay! Sorry! Sige doon muna kami ni Ayisha sa may living room.

Alex: Sama na ko Dad! 

Dawn: Anak dito ka lang muna. *hinawakan yung kamay ni Alex*

Alex: Ano ba?! Bitawan mo nga ko.

Richard: Alex! 

Alex: Ugh! Sya naman nagumpisa eh. 

Richard: Stay here and talk to your mom. Mamaya maguusap tayo.

Alex: Ts. Ako na naman yung mali. 

Sinara ni Richard yung pinto tas bumalik si Alex sa may kama.

Alex: Ano?! Masaya ka na? Napagalitan na naman ako. 

Dawn: Bakit ka ba nagiging ganyan? Nilalayo mo na yung sarili mo sakin, sa amin.

Alex: Bakit hindi nyo po tanungin yung sarili nyo. Sino po ba yung unang naglayo ng loob? 

Dawn: *sigh* Anak, bumalik na yung ala-ala ko.

-------------------- 

HAHA GUYSSS SORRY HA ANG CORNY NA NG STORYA HAHAHA HAYAAN NYO BABAWI AKO DI KO ALAM KUNG KELAN BASTA SORRY TALAGA HAHAHAH 




Right Love At The Wrong TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon