ASKA - 21

26.1K 439 22
                                    

Chapter 21

[ THE BONFIRE GAME ]

 

Lumalalim na ang gabi at lahat kami ay gising pa, sa katunayan nandito kami sa dalampasigan at nakaupo ng paikot. May snacks, mga inihaw na hotdogs at mawawala ba naman ang alak. Kahit mga busog pa dahil sa masarap na hapunan hindi parin nila maiwasan ang kainan tulad nito, lalo na kapag pinagsama-sama silang magkakaibigan. Oo lahat sila, I mean buong banda.

Maski ako nagulat, pagkabalik ko sa sala kanina matapos nung ano, yung ano hihi yung walkout ko kanina habang kumakanta si Seth, nadatnan ko nalang silang nag aapiran na sa bawat isa. Si Yvo kasama si Divina, Si Vien kasama si Gemma at si Pj kasama si Jena. Biruin nyong tumino na tong mga lalaking to? Ni minsan hindi ko pa nakitang naghiwalay si Gemma at Vien, maski si Jena hindi narin sila nagbreak ni Pj at balita ko malapit narin silang lumagay sa tahimik. Si Yvo naman, magiisang taon ko na ata syang hindi nakikitang nagpalit ng babae, di tulad dati na linggo linggo iba ang girlfriend nya. Hanep mukang tinamaan ata kay Divina.

Y’un nga, nakapalibot kami dito sa bonfire.  Katabi ko si Bessy na katabi naman ni Jigs. Si Bebe Ayan kasi pinatulog na nung Yaya nya kaya walang sagabal sa harutan nila ni Jigs, syempre maliban sakin haha. Hindi kasi ako humihiwalay sa kanya mula pa kanina, ayaw ko ngang tabihan yung supladong y’un. Kahit medyo natouch ako sa ginawa nya eh nilalamon parin ako ng pride ko. Bakit ba, feel ko magpakipot ngayon eh!

Medyo nilalamig na ako, ang hangin kasi masyado dito. Nahihiya naman akong pumasok para kumuha ng panlamig kasi baka akalain nila iniiwan ko sila, kaya heto ako tinitiis nalang ang simoy ng hangin. Sa totoo lang kanina ko pa napapansin na tingin ng tingin si Seth, pano ko nalaman? Aba eh syempre sumusulyap din ako, malay ko ba sa mga mata ko e kusa silang napapatingin kay Seth ih!   >.<

Kanina nga nung lumabas ako para samahan sila dito, hindi nawala yung tingin nya sakin na para bang naguutos na tumabi ako sa kanya, pero hindi ko parin sya pinansin at tumabi lang kay Bessy. Hindi ko kasi alam kung makakahinga ba ako kapag malapit sya sakin.

Maya maya pa biglang tumayo si Bessy.

“ Paubos na yata yang iniinom nyo, kukuha lang ako saglit.” Pero bago pa sya makatayo, tumayo narin ako.

“ E, sama na ako sayo.”

Ewan ko ba, nung naramdaman ko na aalis si Bessy agad kumilos ang mga paa ko. Parang ayaw magpaiwan kasi may pakiramdam ako na pag nagpaiwan ako tyak lalapitan nya ako at iniiwasan kong mangyari y’un. Kanina pa kasi sya nagmumukang loner eh, pa’ano hindi na nya nga kilala yung ibang girls wala pa syang partner. Ih basta, hindi ko rin magets ang sarili ko!

“ Huh? Ikaw bahala.” Tapos lumakad na siBessy. Sumunod lang ako sa kanya at nang napatapat na kami kay Seth ramdam ko ang titig nya kaya humawak ako at pumunta sa tagiliran ni Bessy.

Ang Suplado Kong Asawa .℘ᶴᶬ.Where stories live. Discover now