Kabanata 7 - Pagtitipon

630 14 4
                                    

Space Shuttle Dream (Hulyo 3, 2020)

Nagsimulang ikutin ng Dream ang Buwan. Masinsing mino-monitor ng lahat ang kanilang pagpunta sa madilim na bahagi ng buwan.

"Attention crew, we will arrive in our second rendevouz point in one minute..." deklara ng boses sa communication system ng shuttle.

"Ang cute talaga ng boses ni Officer Santos eh no?" komento ni Allan sa kaibigang si Edward. Napangisi nalang ito sa sinabi ng kanyang kasamahan. 

Ilan sandali lamang ay biglang umalog ng malakas ang sinasakyang space shuttle ng grupo na tila isang eroplano na dumadanas ng turbulence sa himpapawid. Nagtaka at natakot ang karamihan sa pangyayari.

Nagkislapan ang mga kagamitan sa shuttle na animo'y nag short-circuit ang mga ito. Biglang nawalan ng kuryente ang sasakyan at namatay din ang makina nito.

"Is everybody all right?!" sigaw ni Edward sa grupo.

"Yup!" sabay na sagot naman ng lahat.

"Edward, anong nangyari sa atin?" agad na tanong ni Allan.

"Hindi ko pa alam. Mukhang hindi na umaandar ang shuttle natin..." sagot naman ni Edward. Dahan-dahang tinanggal ni Edward ang kanyang seatbelt at nagpalutang patungo sa kabina ng piloto. 

"ASA Headqurtes, this is Space Shuttle Dream, do you copy?"  tanong ni Officer santos sa kanyang headset na tila hindi narin gumagana. Nakailang ulit ito sa pagtawag ng biglang may kumatok sa pinto ng kanilang kabina.

"This is Dr. Enriquez, can you please open the door?"  Agad namang binuksan ng mano-mano ng co-pilot ang pinto. 

"Officer Santos, what's our situation? The crew is worrying on what happened."  agad na tanong nito.

"Looks like we've encountered a solar surge. The shuttle's system are all down." sagod naman ng co-pilot.

"Solar surge? howcome?" tanong ni Edward.

"We've noticed that during our orbit near the dark side of the moon there was an anomaly in the electro-magnetic field ahead of us, then, we were blinded by a flash of light, then immediately right after it, the systems went crazy." patuloy na paliwanag ng co-pilot.

"Are the boys doing fine?" maikling tanong naman ni Officer Santos kay Edward.

"Yes, they're all accounted for." agad na tugon nito.

"Good. We'll follow the third emergency protocol. Please do tell the rest of them. We'll try to use the back-up system manually." agad na utos ng dilag. 

Ngunit bago pa man tuluyang maka-balik sa pinanggalingan si Edward ay biglang nanumbalik ang systems ng shuttle nila.

"Well, that's convinient..." komento ng co-pilot

"Dr. Enriquez, return to your seat and secure yourself. We'll cancel the rest of our mission and land on Earth immediately after our orbit."  pahabol na utos naman ni Officer Santos sa binata.

Muling bumalik sa kanyang puwesto si Edward at agad din siyang pinutakte ng mga tanong ng kanyang mga kasamahan.

"What happened back there Dr. Enriquez?" tanong ni Mr. Koon.

"Our mission was aborted and we will be returning to Earth at once."  agad namang tugon nito sa kasamahan habang inaayos ang kanyang seatbelt. 

"Why did we lost power of the craft? What did the pilot told you?" isa pang tanong ng isa nilang kasamahan.

"The co-pilot said it was due to a Solar Surge, but we already got our power back. So I do not know what is it anymore." tugon nito sa kasamahan habang nakatingin sa bintana ng shuttle. "Pre, ano nangyari ba talaga?" tanong naman ni Allan sa katabi.

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon