Kabanata 28 - Ito na nga

245 7 2
                                    

Dambana ng Katahimikan, 520 CE

Masusing pinagmamasdan ni Sagada ang pook mula sa kanyang kinatatayuan. Makikita rito ang mga taong masugid na nagsasaka sa hagdang-hagdang palayan na nagsisimula sa hangganan ng pook at nagtatapos sa paanan ng talampas.

 Kanya ring inobserbahan ang malapit nang matapos na bantayan, isang mataas na tore na gawa sa mga punong kahoy at mga pinagpatong na malalaking bato. Ito ang magsisilbing pangunahing himpilan ng mga mandirigma ng pook.

Ilang metro mula sa tore ay ang bulwagan ng mga tinuturing na bathala ng pook. Dito rin naninirahan si Sagada bilang ang punong mumbaki ng pook. Isang uri ng babaylan na nangangalaga sa kalusugang pisikal at ispiritwal ng mga mamamayan.

Matapos tanawin ang kalawakan ng pamayanan at mga gusali nito, itinuon ni Sagada  ang kanyang atensyon sa bundok sa likod ng pook. Kitang kita ang ganda nito dahil sa magdandang sinag ng araw ng umagang iyon.

Litaw na litaw ang luntiang kulay nito at maaninag ang mga iba't ibang uri ng mga ibon na lumilipad sa paligid nito. Dinama naman ng husto ng punong mumbaki ang malamig na hangin na siya ring tumatangay sa mga ulap sa langit.

"Paumanhin sa abala mahal na Sagada, may nais lamang akong iulat sa iyo."

Sambit ng isang opisyal na kawal sa binibini.

Hindi naman naantala ng ganun si Sagada dahil sa narinig naman niya ang yabag ng kawal mula  palang sa malayo. Tunay nga na ang katahimikan ang nananaig sa dambanang iyon at kahit kaluskos ay maririnig mo na ng malinaw doon.

"Ano iyon?" magiliw naman na tugon nito.

"Huminahon na ang Batahalang Hirang na si Anna, nawala narin po ang lagnat ng anak nito. Tumalab agad ang binigay niyong lunas kanina."

"Kumusta naman ang mga gawain ni Bathalang Allan?" ang tila mas interesadong tanong nito sa kawal.

"Nasa tanggapan po siya ngayon, kasalukuyang nagbibigay payo at utos sa mga sumasangguni sa kanya. Wala naman pong kakaibang ikinikilos ang Batahalang Allan sa ngayon mahal na Sagada."

Patuloy na ulat ng kawal.

"Hmmmm...Magdagdag kapa ng mga magbabantay sa Bathalang Allan. Pagbalat kayuhin mo sila bilang pangkaraniwang mamamayan lang. Samantala, bawasan mo ang unipormadong kawal sa kanya at ilipat mo sa mag-inang hirang." Direktang utos nito sa kawal.

"Ano pa mahal na Sagada ang iyong ipaguutos?" tugon ng kawal.

"Ihatid niyo rito ang Bathalang Dimla. Mayroon akong ibabalita sa kanya. 'Yun lang."

Agad namang lumiban ang lalaki upang isagawa ang mga ini-utos sa kanya.

Matapos makaalis ng magiting na mandirigma ay ibinalik ng mumbaki ang kanyang atensyon sa kapaligiran ng pook. Natanaw niya sa kalayuan ang isang grupo ng mangangalakal na paakyat sa pook.

"Sagada..." isang bulong sa hangin ang kanyang narinig.

Agad niyang nilingon ang kanyang likod. Isang lalaki ang nakatayo sa may pedestal ng dambana.

Nagulat si Sagada dahil sa biglaang pagdating ng lalaking naka balabal ang buong katawan.

"Ano ang aking maipaglilingkod sa iyo kaibigan?" mahinahong tanong nito sa lalaki.

Gumalaw sa kanyang pwesto ang lalaki at nagtungo sa lihim na silid sa likod ng damabana.

Walang nagawa ang mumbaki kung hindi sundan ito sa likod. Sinigurado naman niyang walang mga tao sa paligid ang makakasaksi sa magaganap.

Poveglia Island, 2020 CE

"The plot has been fast tracked unprecedentedly by the recent favorable events. This means, we'll be witnessing the 3rd global conflict in a week or less."

SulyapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon