CHAPTER SEVEN

1 0 0
                                    


Chapter 7 - Tears Are Falling

Hingang malalim.

Haaaaaaaaysssss!

Parang andami nang nangyari sakin.

Pero kailangan magpatuloy ng laban sa buhay.

After that heart ache (chosss)

Pinili ko munang manahimik.

Sabi ko family first.

Mag-aaral na lang muna ako ng maayos kasi yun naman talaga ang dapat.

Life must go on ika nga ni JGL. :P

Well, nakakasanayan naman talaga ang pagiging single by choice.

Kaya ayun. Music. School. Friends. And Family ang meron ako nung mga panahon na yun.

Nakaya ko mabuhay ng walang lovelife. hahahaha!

Parang ang saya lang kasi nanalo ako sa Lotto. :D

Pero gaya nga ng sinabi ko, hindi sa lahat ng oras masaya.

Second year College. Eto na yata ang pinakamalaking dagok

sa pamilya namin.

Sa baryo namin, may tinatawag na Aurora.

Church Activity na inililibot yung santa para daw umulan.

So, nasa prosisyon ako nun.

Kasama ko yung pinsan ko na si Tink nang may nareceive akong

text galing sa Tita ko, saying:

"Nakita ko Mama mo dito samin, may kasamang batang lalaki."

I replied: "Huh? Tita baka nagkakamali ka lang. Nasa trabaho si Mama ngayon.

Baka nawrong send ka lang."

"Nakita ko talaga. Mama mo talaga yun."

Tinext ko kaagad si Kuya na by that time e nasa Cavite.

Dun na kasi siya pinatira ng iba pa naming Tito at Tita.

"Kuya, asan ba si Mama?"

"Nasa Bulacan ata. Yun yung sabi niya sakin e. Pupunta daw siya kila Nanay."

Si Nanay naman, Lola namin siya. Mama siya ni Mama at dun sila nakatira sa Bulacan.

"Kelan siya huling nagtext sayo?"

"Hm, two days ago na. Bakit ba?"

"Nagtext sakin si Tita Mylene, nakita daw niya sa kanila."

"Sandali, tatawagan ko lang si Mama."

I waited na magtext ulit si Kuya.

After a few minutes...

"Di ko macontact si Mama. Pero tumawag ako kila Nanay.

Galing daw dun si Mama Nung isang araw at humiram daw ng pera sa kanila.

May kailangan ka daw sa school?"

"Huh? Kuya wala akong alam dun."

"E asan naman kaya si Mama?"

Hindi ko na nagawang ireply si Kuya dahil may nabuo nang emosyon sakin.

Gusto kong maniwala sa sinabi ni Tita Mylene.

Anong ginawa niya? Gusto kong maintindihan.

Hindi ko na tinapos ang prosisyon.

Nagpaalam na ako kay Tink..

"Tink, uwi muna ako. Sumama pakiramdam ko.

Ingat na lang pauwi ah?"

"Oh sige sige. Ingat insan."

Pag-uwi ko, parang nanghina talaga ako.

Bago makarating sa bahay, may puno nang mangga sa di

kalayuan. Nagpahinga muna ako dun.

At maya-maya, tumutulo na pala ang luha ko.

Hindi ko lang kasi maintindihan,

Bakit kailangan nila kaming iwan?

Bakit kailangan nilang umalis at sakin iatang ang lahat ng pressure?

Napagod ako. Nagalit ako sa mundo. Yung dating Bernadette na

madaling lampasan ang problema biglang nagbago.

Iyak lang ako ng iyak dun. Sabagay madilim kaya walang masyadong

nakakakita sakin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Gusto kong lumayo. Kaso ang iniisip ko, paano na ang mga kapatid ko

kung pati ako lalayo? Kung pati ako aalis?

I need a break.

Gusto kong magpahinga muna hanggang sa maipon ko ulit lahat ng lakas.

Pagkalipas ng ilang oras kong pag-iyak sa puno ng mangga, umuwi na ako

sa bahay. Pag-uwi ko, nakita ko si Lola na nakatingin lang sakin.

May naramdaman akong may alam siya.

Hindi ako nagsasalita.

Dire-diretso lang akong umupo at nagkunwaring nanonood ng tv na

para bang walang nangyari.

Katahimikan.

Tanging tv lang yung naririnig namin na ingay.

Nang maya-maya..

"May nakapagsabi sakin na nandito na daw yung Mama mo nung isang araw pa.

Dalawang araw na siya nandito."

Hindi ko napigilan ang sarili ko.

Pagharap ko kay Lola, tulo lang ng tulo yung luha ko.

This LifeWhere stories live. Discover now