CHAPTER TWO

2 0 0
                                    


Chapter 2 - Expect the Unexpected

Ambilis lang lumipas ng mga araw nun.

Sabagay hindi naman namin pansin dahil ang alam

lang namin nang mga panahon na yun e ay ang magsaya.

Mag-enjoy.

Tawanan ang problema.

Tanda ko pa nga problema ko lang nun kung paano

ako mag-eexam ng walang yellow pad paper. tss

Bakit ba kasi natatapat na kapag may exam kami

nagkakaubusan talaga ng papel? wiw

Maiba nga ako. So, ayun. Di nagtagal, naging

close din naman kami ng mga kaklase namin.

Minsan may mga plastic nga lang talaga.

Haha see? Kanina papel, ngayon naman plastic.

Mamaya bote, lata at dyaryo na.

Tapos mangangalakal na ako.

Hahahahaha :D

Bahala na kayo kung di kayo matawa.

Kiber ko? jk :P

Ansaya lang noon.

Parang gusto ko pa ngang balikan.

Kung may time machine lang talaga,

ako na mism0 magdadrive.

Makabalik sa panahon na masaya lang.

Kaso dahil nasa real world tayo,

may mga dumarating talagang pagsubok na susubukin ka.

At problema na poproblemahin mo talaga.

Since I entered college, may boyfriend talaga ako.

But It seems to be a lomg distance relationship so I decided

to broke up with him. (mag-english daw ba? :P)

His name was Peejay.

Okay naman kami nun e. Masaya naman ako nung magkasama pa kami.

Pero nung umalis na siya, parang nagbago ako.

Kapag tumatawag siya naiirita ako.

Kapag nagtetext siya di ko nirereply.

Alam kong alam niya na may load naman ako kasi

siya yung nagloload sakin, pero di ko talaga magawang magreply sa kanya.

Kung sagutin ko man yung tawag niya, nasisigawan ko lang siya.

Halos mapagalitan pa nga ako ni Mama kasi ang bastos daw ng ugali ko.

Buti nga daw tinatawagan at itinetext pa ako nung tao, ibig sabihin daw

kasi nun seryoso sakin yung boyfriend ko.

Oo. Legal yung relationship namin na halos nagtagal lang ng 8 months.

Alam kong dama niya na ayaw ko na.

Ewan ko pero para kasing nasasakal na din ako sa kanya kasi palagi niya

akong pinaghihinalaan na may iba na daw ako sa school.

Na wala pa nga e. Ayaw ko pa naman ng pinangungunahan ako.

(toiinks) Pero seryoso. Alam kong nagseselos lang siya kasi mahal niya

ako. Pero nakakasawa yung ganun.

Alam ko na man din sa sarili ko na hindi ko na siya mahal.

Kaya kahit malayo siya, nakipagbreak na ako sa kanya.

Pero sa text lang. Sa isip ko nun, bahala na!

Para akong tanga. Nung pumayag siya na magbreak na kami, umiyak ako sa kwarto.

Siguro dahil nagiguilty ako sa ginawa ko.

E kesa naman sa magsinungaling pa ako sa kanya di ba?

One week after, nagtext siya ulit sakin.

Gusto niyang makipagbalikan.

(ako na maganda :D)

Pero ayoko na talaga.

Suko na ako samin.

After one month. Bongga!

Nabalitaan ko may girlfriend na kaagad siya!

Di man lang nirespeto yung fact na kakabreak lang namin.

Well, siguro tama lang yun sakin.

Ampasaway ko kasi.

Ewan, pero ang totoo, nang malaman ko na may bago na siya, may naramdaman

akong kakaiba. Siguro dahil pakiramdam ko, natalo ako.

May shop kami nun.

Habang nagddrawing ako tumutulo luha ko.

Ano pa nga ba?

Edi basang-basa yung papel ko.

Edi ulit ako ng ulit.

Di ako makapagtrabaho ng maayos.

Di ako nakatiis.

Lumabas ako at nagcr.

Di ko maintindihan sarili ko kung bakit ako umiiyak

o kung bakit nararamdaman ko yun.

Parang saka ko lang naramdaman na dapat akong mabroken heart sa ginawa ko.

Late reaction ba.

Pagkatapos kong ilabas yung luha ko sa cr, pumasok na ulit ako sa shop namin.

Ready to work ulit. Pero mukha parin akong wasted.

Ang hindi ko alam, may nakakapansin pala sa kabaliwang ngyayari sakin.

Maliban sa bestfriend kong busy sa plate niya, may dalawa pa sa kaklase ko

ang nakatingin sa pagmumukha kong pinagsukluban ng langit at lupa.

Hays. Nakakahiya.

Yung shop pa naman namin e may malaking salamin sa pader.

Dance room din kasi yun ng mga dancer sa school.

Kitang-kita pala ako sa salamin ng Prof namin.

Well, they don't care.

Wala silang alam.

Ako nga di ko din alam nangyayari sakin e.

tss

Then naisip ko. Deserve ko ang nangyari.

Karma ko na siguro yun.

Di naman ako nagsisisi na nakipagbreak ako.

At least, nagpakatotoo ako sa kanya, at sa sarili ko.

This LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon