CHAPTER SIX

1 0 0
                                    


Chapter 6 - Expect the Unexpected 1.4

Six years ago na since lumipat kami dito sa Bicol.

Nagtrabaho si Mama.

Kami naman tuloy lang sa pag-aaral.

Tuloy lang sa buhay.

Di namin alam.

Yun na pala talaga ang pinakamakapagpababago sa buhay namin.

Sa school..

Ganun din. Daily routine lang.

Remember the guy na nagbuhat ng table ko?

Kaya pala siya mukhang Christmas Light e on and off din siya kung pumasok sa school.

Just call him Yuj.

Naging friends kami.

Hindi naman siya mahirap pakisamahan kasi mabait naman siya gaya ng iba kong classmate.

But he catches my attention so well.

I think his different.

There is something about him na talagang maaalala mo na lang siya bigla.

Like, pagbukas ko ng bag ko pag-uwi sa bahay, may makikita akong cup noodles na walang laman.

Chalk. Bunot. Mga bato. Floorwax at marami pang iba.

One time, habang nakaupo ako sa hagdan papunta sa shop namin, listening to music.

Nagulat na lang ako dahil may kumuha ng isang earphone sa tenga ko.

Siyempre sino pa ba ang gagawa nun na mahilig mambuwisit sakin di ba?

Siya na nga. Ang dakilang si Yuj.

Tapos magrereklamo pa na ang pangit daw ng pinakikinggan ko.

Magrerequest pa ng gusto niyang pakinggan.

Like what? Pinayagan ba kitang makishare ng earphone?

Pero hinayaan ko siya. Para kasing may nararamdaman na akong

kakaiba.

Palagi niya akong ginugulo.

Magambala niya lang ako masaya na siya.

Mahahalata talagang masaya siya kasi nawawala na yung mata niya kapag tumatawa.

Di ko alam. Oo naiinis ako sa mga pinag-gagagawa niya but at the end of the day,

nakangiti na pala ako habang iniisip siya.

Kahit nasa bahay na ako, ginugulo niya parin ako.

Remember yung papel na pauso ng mga praning kong classmate?

Siguro dun niya nakuha ang number ko.

Palagi niya akong tinatawagan.

At pati na din text.

Hindi siya nagkukulang sa oras para lang asarin ako.

Hindi ko na nga maintindihan kung bakit niya yun ginagawa.

Then umeksena si Ran. Ang butihin kong bestfriend.

I know naman na may alam siya. Kahit wala akong sabihin.

ALAM NIYA. Nanay niya si Donya Kutob.

Hahahaha :D

Sabi niya: "Oo nga't hindi kayo magkasama palagi pero

palagi naman kayong magkatext at magkatawagan. Parang ganun na rin yun."

Parang naisip ko, oo nga. Nasasanay na ako na kasama siya sa araw ko.

Parang hindi na kumpleto yung araw ko pag absent siya.

Basta. Nalulungkot ako pag wala siya.

Tumagal ng ganun yung sitwasyon namin.

Halos one year din.

Alam kong umasa ako na may future kami.

Alam ko ding mali dahil may girlfriend siya.

Pero alam ko din na masaya ako sa kanya.

Lalo na nung sinabihan niya ako ng girlfriend material daw ako.

At kung wala lang daw siyang girfriend, baka niligawan niya na daw ako.

50-50 ang naramdaman ko.

Para sakin, masaya kasi alam kong kahit di man yun totoo, may gusto padin mag-aksaya ng

panahon niya para sakin.

Para sa girlfriend niya, nahiya at naawa ako.

Kasi naisip ko, paano kung ako yung girlfriend niya tapos

may sinabihan siyang ibang babae ng ganun? Ano kaya ang mararamdaman ko?

Yung 50% na kasiyahang naramdaman ko, natabunan ng 50% ng naramdaman ko para sa

girlfriend niya. Wala din. Talo padin talaga ako. Di ba?

Kaya nung halos isang taon na akong nahuhulog sa kanya, nagdecide na ako na magstop na.

Alam ko naman kasing wala akong laban.

Tsaka ayoko din naman manira ng relasyon.

I never wished to be a third party.

It sucks.

Nagmove-on ako.

Kahit hindi naman naging kami.

Siyempre ganun talaga, napamahal na kasi ako sa kanya kaya nahirapan din akong

lumayo.

Nagalit pa nga siya sakin kasi bakit daw ganun ako.

Umiwas na lang ako bigla.

Di ko na sinabi sa kanya ang nangyari pero I wrote a story na

nagdedescribe samin kaya parang ganun na din.

Parang kilala daw niya yung bida sa story, ang masama nga lang,

tragedy ang ending. Kasi di nagkatuluyan ang mga bida.

Tragedy na yun para sakin :D

Nagpakilanlan ulit kaming dalawa.

Saksi dun ang friend namin na si Bob.

Ang korni nga e. Nagshake hands kami tapos

nagintroduce ng sarili. hahaha!

Pero okay na ako sa ganun.

At least, magkaibigan parin kami.

This LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon