Chapter 7

39K 560 69
                                    

Chapter 7

Glydel's POV

Masakit ulo ko ngayong araw. Wala ako sa mood makipag-halubilo sa iba parang gusto ko muna magpaka-loner dahil masama talaga pakiramdam ko. Pinatong ko ang ulo ko sa desk ng upuan ko at humikab. Inaantok na talaga ako. (_._)

"Are you really fine, Glyds? Alam kong tinanong na kita kaninang umaga pero mukhang sumama pa ata yang pakiramdam mo. Gusto mo bang samahan kita sa clinic? C'mon, get up." Niyugyog ni Lorraine ang balikat ko at feeling ko masusuka ako. 

"I think I'm fine. Besides apat na subjects nalang naman, Lorraine. I can really handle it. Wag kang mag-alala." Sinubukan kong alisin ang pag-aalala niya. Hinawakan ko ang batok ko at minasahe ito dahil sumasakit na rin.

"But...are you really fine? Kanina pa namin napansin ni Jelly na sumama 'yang pakiramdam mo. Get up, we're going to the clinic, Glyds. Tayo na!" 

"Okay, okay!" Tumayo ako agad at hinawakan nila akong dalawa sa siko ko. "Kaya ko namang maglakad. Para naman akong matanda nito." pang-aasar ko sakanila.

Pagkalabas namin na ng room, nadatnan namin si Kath na naglalakad sa hallway. May kausap siya sa phone at bahagya niya itong tinaas at kumaway ng nakita niya kami. Pagkatapos noon ay nagpatuloy lang siyang maglakad. 

"Why of all school dito pa pinili ni Kath?" narinig ko ang pagtataka sa boses ni Jelly at umiling lang si Raine.

"She cried last time, right? Hindi na natuto, habol pa rin ng habol." saad ni Lorraine na pinagtaka ko naman. Si Nathan ba hinahabol niya?

"Si Nathan ba 'yung hinahabol habol niya?" hindi ko na napigilang magtanong. I'm really curious. 

"The one and only. Kung hindi mo napapansin, Nathan Lopez and Gabriel Mendoza are both undeniably handsome, right? Kuhang-kuha nila ang atensyon ng mga estudyante whether they like it or not. Isa si Kath Gonzales sa mga babaeng nagkakagusto sakanila and she's beautiful, rich and all but she hadn't caught their attention."  Tumingin silang parehas sa akin at ngumiti. Ngumiti nalang rin ako at tumango sa sinabi ni Jelly. 

Ngayong sinabi na nga nila 'yon, I realized that they were right. Maraming gustong kumuha ng atensyon nila at walang nakakakuha. Mataas ba ang standards nilang dalawa? Pansin naman na hindi sa mukha ang basehan nila. Boys are hard to understand. Psh,

Campus LoveteamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon