Chapter 3

47K 678 51
                                    

Started on October 2011.

Finished on December 26, 2012.

Twitter:

@xxxialy

--

Glydel's Pov

"Meron ba kayong masusuggest na activity natin for this month? Marami na kasing sections ang nag-submit pero sa atin wala pa. Ano ba gusto niyo...cafe?" 

Nagsasalita si Jelly sa harap at pinag-uusapan namin yung project ng Student Council ngayong month. Hindi pa dumadating ang teacher namin kaya napag-isipan niya na ito muna ang pag-usapan para may gawin daw kaming productive. 

"Last year nagawa na natin 'yan. How about organizing a Fun Run? Ang funds na makukuha natin, pwedeng i-donate o ipangbili ng kailangan niyo." Tumayo si Raine at pumunta din sa harap. Kumuha siya ng chalk at nag-drawing ng parang map ng school. "Pwede rin tayong maglagay ng booths or food stalls para mas makakakuha pa tayo ng money. Hindi pa natin ito nagagawa so I think pwede naman?"


In the end, ginamit namin ang idea ni Raine. Maraming umangal dahil sa dahilan na ayaw nilang mapagod. Pero mas maraming sumang-ayon sakanya. Sa tingin ko din naman okay lang na ito yung ipasa dahil mas makakalikom ng pera ang SC.

Pagdating ng break lumabas muna ako ng room at tinignan ang mga club na pwede kong saiihan. Obliged kasi ang mga students na sumali kahit sa isang club lang. Maraming nagbigay ng forms sa akin tulad ng Music Cub, Chess Club, Science Inventory Club, Journalism at Photography Club. 

Hindi naman akong sumali sa Music Club dahil masisira ko lang ang instruments doon at ang sabi ko nga, hindi pa nauuso ang boses ko. >_> Pwede naman sa chess club kaso tinatamad ako sa larong chess. Bukas pa naman pasahan ng form. -__-

"Ano 'to?" Nagulat ako ng biglang hablutin ni Nathan yung form sa kamay ko. Tinaas niya ang papel habang binabasa niya at ako naman inaabot ko yung papel. Nilalayo lang niya ang papel at para kaming baliw sa hallway.

"Hindi ba halata? Edi form! Akin na nga 'yan. Ang epal epal epal epal kasi!" Tumalon ako para maabot yung papel kaso tumalikod siya at tinago ito.

"Hindi ka pa din nakakapili? Sumali ka nalang kahit saan. Tatanggapin ka naman diyan. May paisip-isip ka pang nalalaman." -__-

"Hindi mo ako katulad na sasali 'pag sa tingin kong pwede na. Gusto ko yung ma-eenjoy ko yung activities sa club. Hindi mo ako maiintindihan kasi pangit ka! Bleh." Kinuha ko yung papel sa kamay niya at I stuck my toungue out.

Campus LoveteamWhere stories live. Discover now