Chapter 49 ♥

598K 12.1K 1.6K
                                    

Chelsea POV

Di pa din ako maka-get-over dun sa pag-presinta ni Kyle na kami yung lumaban ng Mr. and Ms Shin-Woo. Kainis. Alam ko namang wala akong laban dun. Aish.

Lunch break nga pala namin. Hulaan nyo asan kami ni Janna.

Syempre andito sa tambayan ng tigers. Hehe. Dito na daw kami lagi magla-lunch sabi ni Kamahalan eh.

"Nobody."

"Yes Kamahalan?" Tanong ko. Kakarating lang namin dito sa tambayan eh.

"Dito ka sa tabi ko. Kain na tayo, eto na yung pinabili kong lunch sa canteen."

Hanla. Dami naman nyang pinabili. "Tara Janna." Yaya ko.

Upo na kami sa dining table nila. Ganito position.

Kyle - Ako - Ken - Jerome

____________________________

____________________________

Janna - Adrian - Cav - Lance

Wala yung ibang tigers eh. Grabe lang. Katabi ko na nga si Kyle, katapat ko pa si Adrian.

What a life. Daig ko pa talaga ang may personal guard.

"Eto masarap 'to nobody. Kainin mo lahat 'to." Sabi ni Kyle habang lagay ng lagay ng pagkain sa plato ko.

"Crush, eto pa oh. Masarap din 'to." Lagay naman ng pagkain sa plato ko si Adrian.

Tumingin ako kay Janna. Natatawa lang sya. Kasi naman halos punong-puno na plato ko. "Tingin niyo mauubos ko 'to?"

"Dapat mong ubusin!" Sabay pang sabi nina Kyle at Adrian tapos tinginan ng masama. Aish. Parang mga bata.

Tumungo nalang ako at kumain. Mababaliw ako sa dalawang yan. Kainis.

Natapos kaming kumain. Pati sa drinks nag-agawan yung dalawa.

"Nobody, mas masarap uminom ng coke."

"Hindi crush dapat tubig lang."

Ang ginawa ko? Ininom ko pareho. Lintik naman 'tong dalawang 'to.

Sina Ken kanina pa natatawa sa dalawa. Si Lance lang yung walang reaction. Asa ka dyan. He-he.

"Back to room." Sabi ni Adrian saka dumikit kay Janna. "Janna, pwede favor?"

Ako eto lakad na din katabi si Kyle. Sino pa ba? Feeling nyan boyfie ko na sya eh. Psh.

*

Janna POV

"Sure. Ano yun?" Sagot ko sa tanong ni Adrian.

Nagulat nga ako kasi kinausap ako bigla. Siya pa yung katabi ko habang naglalakad kami pabalik ng room.

Kanina, medyo nagseselos ako kasi yung atensyon niya nakay Chelsea. Pero okay lang, tinanggap ko na yun.

"Paggawa mo ako ng cookies. O kahit tulungan kita. Dadating kasi ang Mama ko from New York. Mahilig kasi sa cookies yun." Sabi ni Adrian.

"Sure! Saan?" Excited na tanong ko. Yii, kinikilig ako. Haha.

"If it's okay with you, sa condo ko nalang?" Tanong ni Adrian.

Grabe lang yung tibok ng puso ko. Kyaaaa!

"Sige. Kelan?" Tanong ko. Syempre pinipigilan ko yung ngiti kong malapad.

"This saturday. Sunday kasi dating ni Mama. Are you free on that day?"

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon