Chapter 21 ♥

638K 12.7K 485
                                    


Janna POV

Andito ako sa room. Super boring. Wala kasi si Chelsea. Bakante tuloy yung upuan sa pagitan namin ni Adrian. Lakas pa naman ng kabog ng dibdib ko pag nakikita ko sya.

"Ang tahimik 'pag wala si crush 'no?"

Napatingin ako kay Adrian. Ako ba kausap nito? Wow ha. Kinakausap nya ko. After ilang years naba mula nung elementary kami. Yun yung time na close kami, magkaibigan na laging magkausap at nagpapansinan.

"Ah, eh..." Ay nako, nasisira yung beauty ko pag ganitong nauutal ako eh.

"Hehe, oo nga pala, kumusta na? Long time no talk. Musta japan?"

Ayan na, he's starting to make conversation. Oh my, kikiligin na ba ako? Pero one of my wishes talaga ay yung bumalik yung friendship between us.

"Ayun, okay naman. Ikaw? How's life? It's been years.."

"Okay lang din. Still, wala pa ding love life." Sabi ni Adrian.

Pinilit kong kumalma para hindi nya mapansing kakaiba yung kilos ko. "Ikaw pa mawalan?"

Tumawa siya ng malutong which made him more handsome. Kitang-kita kasi yung mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. Wala pa din syang pinagbago. Smiling face pa din sya.

"I'm just entertaining girls but I never had a serious committment." Sabi nya. Deep inside, natuwa naman ako. So wala pa din syang first love.

"I see. By the way, doon ka pa din nakatira sa house nyo?" Wala akong ibang matanong eh. I'm shy you know.

"No. Actually, may sarili na akong condo. Regalo sa'kin ni Papa last year."

"Nice.” I said.

Ngumiti sya. "Ikaw, siguro may boyfriend ka na?"

Kinabahan naman ako sa tanong nya. Aish. Bakit ba lagi akong apektado sa bawat sasabihin nya? "No. I don't have. Study first." Sagot ko.

He stared at me. "Really?"

I nodded.

"Oh, masyado ka yatang malupit sa mga gustong manligaw sa'yo?"

"Hindi ah." Unti-unti na akong nagiging komportable sa kaniya.

I missed this kind of feeling.

Tumawa na naman si Adrian. "Oo nga pala, I have something to ask."

"What is it?" Nagtaka naman ako.

"About Chelsea."

As usual. Malaki yata talaga pagka-crush nito kay Chelsea but it's fine with me. No hard feelings.

"What about her?" Tanong ko.

"Malapit na birthday nya and I want to make her happy kahit sa araw na yun lang. I'm sure naman na kilala mo na din si Chelsea. She's really poor. Hindi man lang nya naranasan ang mga bagay na ilang beses na nating naranasan. Nating mayayaman. Naaawa ako sa kaniya." Malungkot na sabi ni Adrian

Yeah he was right. Nakakaawa talaga si Chelsea pero at least masaya pa din siya. Sa simpleng bagay, kuntento na sya.

I'm sure she will be happy kung gagawa kami ng surprise for her birthday. Next week na yun. Mabilis nalang yung araw.

"Sure, sure. Go ako dyan. So dapat pala asikasuhin na natin kasi one week nalang." Sabi ko.

He smiled. "Yeah. That's why I'm asking for your help. Saka tamang tama na wala sya dito sa school. I mean, hindi nya tayo mahahalata."

Oo nga naman. Syempre magtataka din yun if ever. Ays! Na-e-excite nako sa gagawin naming plano ni Adrian. Plus, makakasama ko pa sya. May possibility na maibalik yung dating closeness namin. Gusto ko na din kasing maging comfortable ulit with him.

"So, every breaktime and vacant, sama ka sa tambayan para makapag-plano tayo. Okay ba?" Tanong nya.

Kumabog na naman dibdib ko. Hanla. Bigla ako na-excite din ah. Pero medyo nahihiya pa din ako.

"Sure!" Masigla kong sagot.

Tatanggi paba ako? Ako pa ba?

 〰
Adrian POV 

I miss her smile. Ganoon pa din sya, super natural kung kumilos.

Janna. A childhood friend from the past. Parang nagkaka-ilangan kami ngayon kasi naghiwalay din kami ng high school. Pero honestly, sobrang close kami nyan nung elementary.

Sana nga maging close ulit kami like before. Yung komportable kami sa isa't isa. Yung anytime pwede nya ko sigawan like before. Nakaka-miss din yun. Actually, tinuring ko na syang girl bestfriend kasi madali ko syang nakasundo. Sobrang bait din kasi ni Janna kaya di nako magtataka kung naging close man sila ni Chelsea. Pareho silang mabait at palaban.

Hindi maarte at hindi nako-conscious sa itsura. Ang pinagkaiba lang nila, mayaman si Janna pero si Chelsea mahirap. Pero kahit ganon, naging close pa din sila and I'm happy for them.

Napatingin ako kay Janna. Nag-matured na sya. Mas gumanda na sya. All grown up ika nga. Dati, cute yan nung elementary, ngayon ang ganda ganda nya.

"Janna, number mo nga pala para... you know?"

Nag-aalangan pako itanong yan. May hiya pa din ako kahit papaano. Gusto kong magkaroon ulit kami ng communication para maging friends. Walang romatic feelings. Wag kayong advance ang utak.

Parang namutla pa sya? O nagmamalik-mata lang ako? "Sure. Here." Inabot niya yung cellphone nya sakin para ma-copy ko number.

"Done. Thank you. I'll call you often, este later. Hehe." Nadudulas pa'ko.

Mas okay din na magsimula ulit kami sa simula like before. Iba na kasi ung sitwasyon noon sa ngayon. Hindi na kami tulad ng bata na kakalbitin mo lang tapos sasabihan mong, friends na tayo. I really want her to be my friend again.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon