Chapter 1 Chalk po..

21.4K 423 169
                                    


ChenChen Bureche
September 28, 2013

By: howfishylifeis

Ang maniwala sa sabi-sabi....

Chenchen.

-----------------------------

PAALALA: PURO CORNY ANG MABABASA NYO DITO. KUNG DI NYO TYPE, WAG NYO NA LANG ITULOY ANG PAGBASA. NAWA'Y MAGUSTUHAN ITO NG MGA CORNYNG TAO NA KAGAYA KO. MWAH MWAH! TSUP-TSUP.

Third Person's Point of View

Lunes na Lunes, maagang pumasok sa eskwela si Chen, alam nya kasing kagagalitan na naman siya ng guro nila kapag muli na naman siyang nahuli sa pagpasok sa klase nila. Lagi na lang kasing "ang mamatay nang dahil sa'yo.." ang naaabutan nya tuwing flag ceremony.

Mag-isa lang si Chen sa loob ng classroom nila nang bumukas ang pinto, pumasok ang napakasipag pero makakalimuting si Lay.

"Oh?! Chen? Ang aga mo ata! Na-late ka ba kahapon?" Tanong ni Lay. Nalimutan nyang walang pasok tuwing Linggo.

Napakamot ng ulo si Chen, "Wala tayong pasok ng Linggo, Lay! Lunes kaya ngayon!" Sagot naman nya.

Umupo si Lay sa likod ni Chen at nag-ayos ng gamit. "Huy! Teka! Bakit dyan ka nag-aayos ng gamit mo?" Laking pagtataka ni Chen.

Itinigil ni Lay ang pag-aayos ng gamit at tumingin kay Chen, "Huh? Di ba dito ang upuan ko?" Tanong ni Lay.

Napangiwi at napakamot-ulo si Chen, "DI KA DYAN NAKAUPO! DUN KA SA HARAP! DUUUN!!!" Itinuro ni Chen ang upuan ni Lay sa harapan , malapit sa may teacher's table.

"Ay! Oo nga noh?! Haha. Pasensya na." Sabi ni Lay at pumwesto na sa kanyang tunay na upuan.

Dahil sa isang oras siyang tutulala sa kwarto, inilabas na lamang niya ang kanyang math notebook at english notebook. Naks! Ang sipag ata ni Chen ngayon ah!

Binuklat ni Chen ang notebook sa math at tinitigan ito. Inilipat nya ang mga pahina, sinusubukan nyang intindihin ang lahat ng nakasulat sa notebook. Pumapatak ang butil ng pawis ni Chen sa init at sa intense na pag-babasa nya. Medyo kinamot nya ang kanyang ulo at bahagyang napangisi. Matapos nun ay ngumiti siya. Gumaan ang pakiramdam nya. Parang ang saya-saya. Hindi ma-explain ni Chen ang nararamdaman sa kanyang binabasa. Natutuwa na siya at tila nagkakaroon na ng pag-asa. Naliliwanagan na siya sa katotohanan. Gusto na nya itong subukan.

"Hihihihi." Mahina nyang tawa. Animo'y kinikiliti siya at parang may halong kilig. Iniangat nya ang kanyang binabasa. Nahulog ang math notebook nya.

"Kaya pala hindi nya ako gusto! Ang corny ko kasi!" Sabi nya. Iba na pala ang kanyang binabasa.

"Sana makatulong talaga ito sa akin. Mapansin sana ako ni Dina!" Niyakap ni Chen ang librong, "Bakit Hindi ka Crush ng Crush mo" ni Ramon Bautista. Si Dina? Siya lang naman ang ultimate crush ni Chen sa klase. Ang pinakamaganda sa balat ng lupa, ayon yan kay Chen.

ChenChen Bureche [Completed] [EXO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon