Chapter Thirty- Eight

14.6K 203 38
                                    

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha



Chapter Thirty- Eight



HINDI pa 'ko nakuntento at si Sandy naman ang tinawagan ko. Kasi naman itong babaeng 'to masyadong makaluma. Masyadong vulnerable, masyadong submissive, masyadong hindi ako! Grr!



"And then what? Wala ka man lang gagawin? Sandy naman, ikaw ang girlfriend niya, kung may pakakasalan man si Kuya ikaw yun!"



"Jennica, alam naman nating wala akong panama sa desisyon ng daddy niyo. Tsaka ano ba ang maipagmamalaki ko, wala di ba?"



"Sandy hindi naman yun ang point, eh. Kuya loves you!"



"Hindi ko din gustong magpakasal siya kahit kanino, Jen,"



"We should do something!"



"Jen, kakalabanin mo lang ang dad niyo. Ayoko namang mangyari yun,"



"Sandy, you just can't give up on him,"



"Hindi nga. Pero thank you at iniisip mo din ang kapakanan ko, Jennica."



"Kuya and you, you mean so much to me,"



"Mahalaga ka din sa amin. Ingatan mo sarili mo diyan, ha?"



"Ikaw din Sandy. And if I can do anything for you, tell me."



"Makakaasa ka,"



Nakakaloka. Ngayon naman masusubukan ang pag-iibigan ng dalawang 'yon. Sana naman ipaglaban nilang dalawa. Hindi katulad ng nangyari sa 'kin. Hay nalulungkot at nasasaktan na naman ako.



Nang magdecide akong umalis nu'n, nabigla sila sa naging desisyon ko. Sabi ko naman kasi sa kanila, kailangan kong gawin 'yon para tuluyan nang kalimutan si Thomas.



Ewan ko kung successful itong ginagawa ko kasi sariwa pa rin talaga ang mga nangyari sa 'min, eh.



Hindi ko maiwasang ma-miss siya. Hindi na kasi ako ulit naging masaya hindi katulad nu'ng okay pa kaming dalawa.

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon