Chapter Thirty- Seven

14.4K 209 40
                                    

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha

Chapter Thirty- Seven

NASUGATAN din si Thomas siyempre at hindi ko gustong nakikitang putok din ang mga labi niya kaya gagamutin ko ang sugat niya. Like pa'no ko pa siya mahahalikan kung namamaga, 'di ba?

Aishu! Ganito na nga ang sitwasyon namamanyak pa 'ko.

"Umupo ka," utos ko sa kanya at naupo kaming dalawa sa sofa.

"Jen, talk to me, please."

"Aren't we talking already?"

Kumuha ako ng cotton at nilagyan ng alcohol at marahang idinampi sa gilid ng labi niya. I bet namamaga pati kamao niya. Thomas naman kasi, eh.

"Bakit ba sa 'kin ka nagagalit? Siya ang nanloko sa'yo, Jen."

"Thomas, 'wag ka munang magsalita ginagamot pa kita," mariing sabi ko.

Mariin siyang napapikit nang idiin ko ang bulak sa sugat niya pero hindi naman siya nagreklamo.

"Nakita mo nang ginawa mo?" sabi ko nang malinis ko na ang sugat niya.

Tumayo ako at pumunta sa refrigerator niya at nanghagilap ng ice cubes.

"Jen, hindi mo kailangang gawin 'yan," sabi niya pero hindi ko siya pinakinggan.

Dinala ko iyon sa sofa at kumuha ng towel sa bag ko. Buti na lang handa ako. Ibinalot ko iyon sa ice cubes at ipinatong sa namamaga niyang kamao.

"Hindi ka dapat nakipag-away, Thomas."

"Kulang pa nga 'yon sa kanila. Niloko ka niya! I trusted you to him! It turned out niloloko ka lang pala niya. Isa naman pala siyang--basta hindi siya tunay na lalaki, Jen!"

"Papa'no ka ngayon? Pwede ka nilang kasuhan ng misconduct at physical injury! Thomas naman, dapat alam mo 'yon kasi abogado ka!"

"Masisisi mo ba 'ko, Jen? Hindi okay sa 'kin na niloloko ka niya! Iniisip lang kita!"

"Thomas, hindi mo pa rin dapat pinahamak ang sarili mo. Sa tingin mo ba okay din sa 'kin na mapapahamak ka nang dahil sa 'kin? Alam kong bakla si Johann," napayuko ako sa huli kong sinabi.

"What?"

"Yong lalaking kasama niya, boyfriend niya 'yon."

"I don't understand you," naguguluhang sabi niya.

"Hindi naman totoong nanliligaw si Johann sa 'kin, eh! Palabas lang namin 'yon! Ginawa namin 'yon para pagselosin ka!"

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon