Chapter Thirty- Five

14.7K 185 30
                                    

My Kuya's Assistant by LittleRedYasha

Chapter Thirty- Five

WALA si Thomas sa office nila pagdating namin. Saan naman kaya 'yon nagpunta?

"Excuse me, guys, pupunta lang ako ng comfort room," sabi ko kina Kuya at Johann.

Marahan ko pang siniko ang huli para warning-an siyang huwag lalapain ang Kuya ko habang wala ako. Nyahaha. Joke lang.

Nahiya naman kasi akong magtanong kay Kuya kung nasaan si Thomas kasi baka kung ano lang ang isipin niya dahil kaharap namin si Johann. Di bale, hahanapin ko na lang siya.

Napatingin ako sa magkabilang bahagi ng pasilyo but no signs of him. Where art thou, Thomas?

Dumiretso na lang muna ako sa banyo at nagretouch. Maganda na naman ako kaya lang iba pa rin talaga kapag in love ka, 'no. Hihi.

Saktong papasok na 'ko nang makasabay ko siya. He was in a hurry. Sa'n naman kaya siya galing?

"Hoy," pansin ko.

Agad siyang napatingin sa 'kin at napatigil. Alam niyo 'yong sobrang bilis mo tapos bigla kang pumreno? Ayun tuloy, muntik na siyang sumubsob sa 'kin kung hindi lang siya maagap na nakatukod sa pinto at ako naman nakorner ako.

Nahigit ko ang paghinga nang kamuntikan nang magbungguan ang mga mukha namin.

"S-sorry," he said, feeling breathless.

Kasi naman! Ayan tuloy kung makakabog 'tong puso wagas!

"O-okay lang..." sabi ko at alanganing ngumiti.

"Okay lang kayong dalawa?" tanong ni Kuya.

Nanlaki ang mga mata ko. Nakatingin pala sila ni Johann sa aming dalawa!

Mabilis na lumayo sa 'kin si Thomas at kinalma ko naman ang sarili ko.

"O-oo naman, Kuya."

"My fault," sabi ni Thomas in a very formal tone at dumiretso sa mesa niya.

Hindi siya ang Thomas na naka-date ko noong isang linggo sa mga sandaling ito pero naiintindihan ko.

Bumalik naman ako sa pwesto ko kanina at itinuloy namin ang pag-uusap.

Hindi na ako makasabay sa pag-uusap nila kasi naman lumipad na ang isip ko. Kasi naman 'yong puso ko hindi pa kumakalma. Para na 'kong aatakehin any moment from now.

"Kuya, you know sobrang thankful talaga ako sa pag-shoulder mo sa pagpapatayo ng branch ko. But I was really serious na babayaran kita. After all, hindi lang naman sa akin 'to," sabi ko kay Kuya nang finally ay matapos na din ang pag-uusap namin.

"Nandito na naman tayo, Jennica. Alright, bahala ka pero mas mabuti pang isipin na lang natin na investment ko 'yon para hindi ka maobliga."

I pout.

"Sige na nga."

Nilingon ko si Johann para yayain nang umalis ang baklang iyon at nakita ko silang seryosong nag-uusap ni Thomas malapit sa pintuan.

Like ano naman ang pag-uusapan nila?

"Haba ng buhok mo, ah?" sabi ni Kuya at marahan akong siniko.

"Kuya talaga," sabi ko at tumawa ng mapakla.

Nilapitan ko silang dalawa.

"Hoy, ano'ng pinag-uusapan niyo?" pakaswal kong tanong.

"Wala, Jen, usapang lalaki lang," sabi naman ni Johann.

Pinigilan kong mapataas ang kilay ko. Usapang lalaki daw, o.

"Tara na?" sabi ko at humawak na sa braso niya."Bye, Thomas."

"Bye, Miss Trias."

Isa pa 'to. Nami-miss ko na tuloy ang date namin at siya.

Tipid lang akong ngumiti at tumalikod na.

"SABIHIN mo na kung ano ang pinag-usapan niyo, dali!" sabi ko nang nasa kotse na kami.

"Ay, excited much lang?" aniya at ini-start ang kotse.

"At bakit hindi? May usapang lalaki pa kayong nalalaman eh. Kung alam lang niya ang totoo. Hihi. So ano na nga 'yon?"

"Hmm. Let's say na parang pinaalalahanan lang niya 'ko. Lalo tuloy lumakas ang kutob ko. Dapat nga hindi ko 'to sabihin sa'yo, eh."

"Egh, ano na nga 'yon kasi? Sabihin mo na!" at hinampas ko siya.

"Parang nakababatang kapatid ka na daw niya kaya ingatan kita. Kapag sinaktan kita, siya ang makakalaban ko. O, ha. Inagawan ng linya ang Kuya Jeric mo."

I was a bit of disappointed.

"Sinabi niyang nakababatang kapatid ang tingin niya sa 'kin?"

"Oo. Alangan namang sabihin niyang mahal ka din niya gaya ng pagmamahal ko sa'yo. Siyempre hindi niya aaminin 'yon. Kaya 'wag kang malungkot, excuse niya lang 'yon."

"What excuse?"

"Kasi ayaw niyang direktang aminin na mahal ka din niya. Alam mo, ang mga lalaki, parang mga babae din 'yan pagdating sa feelings. Kahit ano idadahilan ma-conceal lang ang nararamdaman."

"Ang lalim naman nu'n," nakakunot ang noong sabi ko.

"Magtiwala ka lang sa 'kin, Jen. Lalaki din kaya ako. I mean lalaki pa rin ako."

"Ang gulo mo."

Kasi naman, tama ba ang ginagawa naming 'to? Talaga bang dadating din ang panahon na magpapakatotoo na si Thomas sa nararamdaman niya?

SA House of Fifi kami dumiretso.

"Surprise!" sabi ko pagpasok na pagpasok namin sa opisina ni Fifi.

"Hi, Jen!" si Sandy na abala sa paglalagay ng mga sequins sa gown.

"Nice gown!"

Humalik ako sa kanya at kay Fifi.

"O ngayon, pati ikaw bilib na din kay Sandy," sabi naman ng huli.

"Kanino pa ba naman magmamana kung hindi sa'yo?"

"Kamusta ang lakad niyo?"

"Okay naman. Feeling ko tumatalab naman 'yong set up sa lalaking iniirog ng babaeng 'to kaya lang sobrang bagal. Nakakaloka na," sagot ni Johann.

"At least tinatablan. Pwede na 'yon!" sabi naman ni Fifi.

"Talaga bang effective 'tong plano? Hindi naman kasi nagpapakita si Thomas ng signs na nagseselos siya,eh," sabi ko namang nag-aalangan.

"Hindi lang natin alam, Jen, pero ano'ng malay natin kung magaling siyang magpretend na wala lang," ani Fifi.

"'Yan nga rin ang sinasabi ko diyan, eh," si Johann."Dapat nga siya ang pinakamalakas ang loob kasi kaligayahan niya ang nakasalalay dito."

Tapos may kalokang idea na pumasok sa isip ko.

"Johann, magpropose ka kaya ng kasal sa akin harap ni Thomas?"

"Huwhhhaaatt?!" react naman nila ni Fifi.

***

Kung maka-react naman ang mga beki. Nyahaha. -LRY

My Kuya's Assistant [Published Under Lifebooks]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon